^

Entertainment

‘My Galeones!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�My Galeones!�
Ang Poet N’yo and the Discoveries Monument (Padrao dos Descobrimentos) in Lisbon, Portugal. It was designed to commemorate the age of exploration during the 15th and 16th centuries. Ferdinand Magellan is one of the more than 30 heroes sculpted in stone and steel.

Sa ganitong mga panahon naglayag sya,

Nakatuklas sa Pinas inyo nang kilala —

Ferdinand Magellan at next year alam nyo ba

Na itong discovery ay five hundred years na!

Ayon sa istorya umalis ng Espanya

At ang pinamunuan nya ay barkong lima!

Nakabalik at nakabuo lang ng ruta

Ay isa and it is no secret... Victoria!

Trinidad naman ang nangunguna nyang barko,

Iba pa’y Concepcion, San Antonio, Santiago —

My Galeones kung tawagin nya mga ito

Kaya naging Magallanes na sya siguro!

At nang beaches of Cebu ay kanyang makita,

Nasabi lang ni Magellan ay “Tao bonita!”

At sa ganda nga ay sa shores of Limasawa

Ginawa ang First Mass ni Father Valderrama!

At ayon sa kasaysaya’t mga kwentista,

Si Raha Humabon naging kaibigan nya

Subalit si Lapu-Lapu naging problema

At hindi humaba ang pasensya sa kanya!

At dahil sa mga beaches nahumaling sya,

Doon din nangyari ang kanyang huling gera!

‘Di na alam kung saan bangkay nya napunta,

Lapu-Lapu daw ginawang trophy… tinapa!

Pero ano nga ba pangyayari talaga?

Kolonisasyon ba ang tunay nyang pagpunta?

Naligaw nga lang daw si Magellan sa ruta?

O dahil sa ganda ng lugar dumaong sya?

Wala pang limampung taon ay dumating na

Ang grupo ni Legazpi at dumaong sila,

Nag-enjoy… More than three hundred years pumarada!

Ayun na nga’t sinakop na tayong talaga!

Ngunit pasalamatan natin sa totoo,

Kung hindi man sinasadya kanyang pagdayo,

May mga mahahalaga syang dala rito —

Kristiyanismo, apelyido, pagka-mestiso!

Ang ‘di lang ako sang-ayon medyo’t siguro —

Bakit sa iba bida raw si Lapu-Lapu

Eh hindi rin naman daw ito taga-rito!

Dayuhan din daw ito at galing Borneo!

Mas gumulo pa nang ipangalan pa ito

Sa ini-escabeche, steamed, pinirito!

At ewan ko lang kung gaano katotoo —

Dahil sa tsibog kaya sila nagkagulo!

Nangyari nung First Mass, Marso Treinta y Uno,

Pagkatapos ng misa ay may salo-salo,

Dun nagalit kay Magellan si Lapu-Lapu,

Inubos kasi raw ‘sang buong Lechon Cebu?

Dahil Portuguese naman talaga si Fernao

Ay may baon din syang Sardinhas na inihaw!

Pero ang kwento nang banggitin nya Bacalhau,

No laughs from Laps dahil akala nya Bakulaw!

May kwento ring kung bakit nag-aalimpuyo

Ang galit kay Magellan ng islang pinuno,

“Lapu-Lapu? Ahhh … ‘tapos LALA ay mag-PUPU!”

The Battle of Mactan na sumunod na tagpo!

vuukle comment

FERDINAND MAGELLAN

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with