^

Entertainment

‘Oh Mommy, It’s Umami!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Oh Mommy, It�s Umami!�
Ang Poet N’yo and wife Eileen with Pauleen and Vic at Zuma Restaurant in Dubai

Nung nasa Dubai at kumakain sa Zuma,

May book na naka-display ang aking napuna —

“UMAMI The Fifth Taste”, Jill Neimark ang author nya,

Syempre nakisawsaw kasabay ng tempura!

APAT lamang talaga ang ating panlasa —

Matamis, maalat, maasim, mapakla pa!

Asukal, asin, kalamansi’t ampalaya!

Akalain ninyong may PANGLIMA pa pala!

Sa panglima ay UMAMI ang tawag nila!

Salitang Hapon at nagmula sa kanila!

UMAI ay masarap at MI naman ay lasa,

Walang Tagalog translation yun ang problema!

Pag Umami lahat ng lasa nandun yata!

Basta mataas sa betsin paniniwala!

Pag sumobra sa Umami totoo kaya,

“U-U MOMMY!” laging sasabihin ng bata!

I-google nyo na lang kung ano ang iba pa

Na may Umami taste at ayon kay Ikeda,

Si Kikunae Ikeda ang nakapuna

Sa pagsisiyensa sa panglimang panlasa!

Marahil para sa dila at ngala-ngala,

Kung nandun ang apat na lasa na nauna,

Yun ang Umami o halo-halo kumbaga!

Kung ganon ang lasang PANIS Umami pala?

Ngek! Hindi ko sya maintindihan talaga!

Nang maunawaan ko Tagalugin muna!

Mahigit isandaa’t sampung taon na sya

Ngunit sa Pilipino walang katapat pa!

Ako ay nagulat nang masaliksik ko na

Mayaman sa Umami ay gatas ng ina!

Malamang dun din nanggaling tawag sa kanya —

U ay UTONG at MAMI ay MOMMY ano pa!

Well, UMAY na ME at ‘wag nang mag-abala!

Dito sa “fifth taste” na binuksan ko kasi pa!

Ang nais kong malaman sa mga panlasa,

Sa kasaysayan ng tao ano nauna?

Op kors naman unang kinagat na may lasa —

Ang ipinagbabawal kay Adan at Eba!

Ano sa palagay nyo ang lasa ng bunga?

NOT Umami pagkat si Eba pa’y dalaga!

Ops kalma, Ang Poet N’yo la’y nagpapatawa!

Like Adam and Eve, ‘wag kagat nang kagat basta!

Ang ibig kong sabihin pala na si Eba

Ang UNA na MOMMY kaya UMAMI lasa!

Whew! Siguro nama’y pinagsama-sama na

Sa “First Supper” lahat ng alam nating lasa!

At the end of the day este, this column pala,

Umani ng tagumpay ay Umami din ba!

Dahil sa pagsusuri ang cheeses ay isa

Sa grupo ng may Umami taste nakasama!

And let us not forget sina Adan at Eba

Ay nasa EDEN … I’m sure naman na-gets nyo na!

At sa mga hindi pa rin nakakakuha,

“Adam” ‘tsaka “Eve” inyo namang ipag-isa,

And what do you get? Eve-ADAM … EDAM hindi ba?

Siguro naman ayos na Queso de Bola!

What, EDAM – UMAMI inyo ring pinagsama?!

EDAMAME?! Josme, nagkaloko-loko na!

Ngek! Akalaing mukhang kasalanan ko pa!

Well, nasa Japanese resto kami nga pala!

vuukle comment

JOEY DE LEON

PAULEEN LUNA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with