^

Entertainment

'Hong Kong for arts's sake'

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
'Hong Kong for arts's sake'
C4 entertainment SUNDAY | FEBRUARY 2, 2020 The Philippine STAR Halos lahat ng nanuod ng art exhibition na ito ay para na ring si Banksy — Hindi nga naka-hood pero naka face mask naman! Parang may pinagtataguan!

Gulo sa Hong Kong mahaba na ring panahon,

And the Hong Kong lovers have different reactions —

Merong awang-awa sa mga tagaroon,

May awang-awa sa sarili’t can’t bakasyon!

Someone worries nun, “Christmas nila dun paano?”

Another worries, “Pa’no na Christmas shopping ko?!”

Pero yung mga ayaw sa maraming tao

Well, mag-empake na and this is the time to go!

Ayon sa nagpunta na habang may protesta,

Pagpasok ng immigration ay walang pila!

Kung saan naman daw rally ina-announce ba

Kung kaya sa salpukan makakaiwas ka!

 

Dahil sa paglayas ‘di mapakali paa

At panay na ang punas sa mga Rimowa!

Kurak! Tumpak! Wala nang patumpik-tumpik pa!

Let’s Hong Kong at kating-Cathay este, kati na!

Isa pang nagbigay ng lakas loob kasi

Kahit pa nga may tear gas at riot sa kalye

Ay nang malaman kong may exhibit si Banksy!

Street artist sya’t hindi anak ni Henry Sy!

Ito ang tipo kong artist tulad ni Basquiat!

Pader ang canvas, mga building inaakyat!

Mga obra nila may pintura at sulat!

Yun bang tila may tinig na nagsisiwalat!

Basquiat wala na, Banksy ayaw magpakita

Ngunit mga gawa nya nagsusulputan pa!

At nang malaman exhibition ng works niya

Sa Hong Kong … dun naman ako magpapakita!

Kaya nga sa lugar na maraming protesta,

Na iniiwasang bisitahin nga sana,

Ako’y nagtungo at dahilan ng pagpunta ­—

Tingnan protest paintings ni Banksy eh ano pa?!

Eh teka nga, sino ba si Banksy talaga?

Eto yung kahit saang pader nagpipinta!

Kaya lang imbes “Bawal Umihi” tirada,

Mukhang totoong urinal ipe-painting nya!

At malamang may sulat pang ilalakip sya —

“Pee if you can stand on three legs only!” You know na!

At kung meron mang Banksy sa atin na isa,

Ang isusulat nya’y  — “Humarap kang hudas ka!”

Genius or vandal? Banksy ba’y ano talaga?

Graffiti artist sya … na hindi basta-basta!

Maraming naghihintay na maging biktima

Pagkat pader pag naibenta … instant kwarta!

Sa kanyang sining marami syang pinupuna —

Puwang ng mga mahirap at elitista!

Pakialam din nya ang gera ng may gera!

Pagmamalupit sa hayop sinakop din nya!

Sa larawan ng unggoy ang mensahe nga nya

Na waring sa mga tao’y sinasabi nila —

“Sige na, lahat kayo ngayon ay tumawa

Subalit isang araw kami mangunguna!”

Kasundo ko ba ang “social realism” nya,

Hindi nakakadiri at nakakasuka!

Malalangoy ang lalim at nakakatawa!

Genius or vandal? Manok ko ay HEN nyo! Gets ba?

Si Banksy nga pala’y tila isang enigma,

Famous but ang nais pa rin anonymous sya!

At nun sa Hong Kong wala kang makikilala

Sapagkat halos lahat ay nakamaskara!

Kasi raw may virus na naman sa kanila!

Syempre naki-face mask kami at mahirap na!

Pero ang kalbong si Wally katwiran iba —

“Awww, don’t mind that virus it’s only Made in China!”

Kaya January 20 … 2020 pa sya,

Ngiting unggoy Ang Poet Nyo’t nasa airport na!

Lumipad ba ng Hong Kong “for art’s sake” kumbaga,

Syempre shopping din! Ma-ART lang ako talaga!

vuukle comment

HONG KONG

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with