^

Entertainment

‘Comedy is serious’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Comedy is serious�
“The world is a comedy to those that think, a tragedy to those that feel.” I’m still thinking... what it means! Now that’s comedy!

“ANG POET N’YO” ay matagal ko nang titulo

At wala naman akong nakikitang BAD ‘no!

Pero nung letra ng “Poet” ay nirambol ko,

Merong EPOT na lumabas ngek! I did not know!

 

Ops teka bago kayo maghuramentado

And please don’t panic so you won’t be tarantado!

Nag-EFFORT ako — ‘yun ang ibig sabihin ko!

Kung bakit may “ngek” eh sa nagulat ang tao!

 

Kayo man makadiskubre ng kahit ano,

Words na mga letrang pareho konektado —

Tulad ILOG-GOLI, ASUP-PUSA o ano?

At syempre pa after we EAT … baliktarin n’yo!

 

At kahit magkaiba pa lengwahe ninyo

Katulad ng YES ng Pranses at Pilipino,

Yes sa France ay OUI, OUI pa lang maririnig mo,

Mas grabe lang tayo … agad-agad ay OO!

 

Kung totoo o nagpapalusot lang ako,

Op kors ako lang makapagsasabi ‘no!

Subalit ‘yung pakay kong reaksyon ng tao

Sa pangnakararami ay aking natamo!

 

Naparating ko yung nais kong isipin n’yo!

EPOT pa nga lang ‘yon at hindi pa eksakto!

At kahit na pa ‘yung iniisip n’yo mismo

Eh ‘yun lang naman ang “TAMA” sa “BATO-BATO …”!

 

‘Di ba nga’t ang tinatamaan pa nga nito

Ay hindi dapat magalit? O, na-gets na n’yo?

At ayon sa iba ay SWERTE pa raw ito!

Well, konek lang kasi yung EPOT sa POET ‘no!

 

Sa sandaling ito alam n’yo na siguro

Na words o mga salita ay laruan ko!

Pasulong at paatras kung basahin ito!

Naroong nirarambol at pinasisirko!

 

Marami nang ginanon at sinulat dito,

Kung maulit man hindi sinasadya ito,

Patawad kung minsan natataranta kayo

Sa tula … kaya nga TARAN-TULA tawag ko!

 

Marami ya’t “MAKATA-NONG NGA” isa dito —

Dalawang misis ang nanganak por ehemplo,

At parehong kambal ang iniluwal nito,

Ang katanungang ito ang sagutin ninyo —

 

Ang nakaluluwag-luwag ba rito’y sino?

‘Yung nanganak by way of Caesarian section … O

Itong nanganak nang natural sa tingin n’yo?

Hindi ko problema ‘yan … kayo ang hurado!

 

“Kasalanan” ang magpaliwanag ng biro!

You do not explain a joke hindi ba nga ho?

Basta ‘yung gano’ng gawi pangit at malabo!

COMEDY IS SERIOUS … kung ‘di na-gets, sorry po!

 

‘Di ba napansin sa kalakip na litrato

Lahat ng clowns na katabi ko medyo seryo?

Waring nag-iisip at hawak mga ulo!

Some are looking up humihingi ng saklolo!

 

Habang iniisip kasi patawa nito,

Hindi s’ya natatawa sapagkat sya’y seryo!

At pag nadale na para s’yang sira ulo!

May luha pa pagtawa pag matindi ito!

 

Kailangang umagos ang creative juice mo!

Syempre importante rin dyan ang iyong “DIOS KO!”

At hindi malayong pagdating mo sa dulo,

Sabihing S’ya sumulat nito! DIOS KIDDING ‘NO!

vuukle comment

COMEDY

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with