^

Entertainment

‘Time Machine Muna! ’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Time Machine Muna! �
Kapag ang larawang ito ang ipinakita ko sa ating mga namayapang bayani at sabihing ang mga tao rito ang lumalabas ngayon sa tinatawag na TELEBISYON, malamang sabihin nila, ‘TELEBISYON? 'Yan na ba ang tawag n'yo sa REBOLUSYON?!’

Kung minsa’y hindi mapigi- lang ikumpara

Noong kabataan pa nina Tan- dang Sora,

Ang buhay ngayon sa pana- hong nagdaan na —

 

Nung wala pang T-BACK at TABAK pa sukbit n’ya!

Nung wala pang shorts at tapis pa lang at saya,

Pwera lang kay Andres na pantalon ay pula!

Nung mga panahong uso pa ang harana;

Nung bag pa lang ng babae’y LOUIS V A YONG     pa!

 

Bigla lang naisip minsan isang umaga —

Ano nga kaya’t merong Time Machine talaga?

At maglalakbay ako sa panahon nila At may mga bagay sa ngayong dala-dala!

 

High-heeled shoes, sunglasses at sapa- tos de goma,

McDo, Jollibee, chicken feet na pang- meryenda!

Maong na sira-sira, make-up, bikini, bra!

Playboy magazines at dyarannn... con- dom syempre pa!

 

He, he, he... ano tingin n’yo reaksyon nila?

Ni Rizal, Bonifacio at ni Tan- dang Sora?

Wari ko si Andres sa “supot” pagkakita,

“SUBOK MGA KAPATID!” ang unang sigaw n’ya!

 

Malamang si Mabini mula sa duyan n’ya,

Himalang mapatayo pag Play- boy makita!

At magkapunit-punit ang mga pahina!

Magkakahalo mga SEKSI at SEDULA!

 

Ngek! O, baka naman OA react nung iba,

Ambeth sabihan mo nga’t ito la’y pa- tawa!

At tandaang mga tao rin naman sila,

‘Yang mga Heneral ‘di ko na nga sinama!

 

Siguradong mga wild ‘yun lalo na si Luna!

Habang nagbabasa sabay ang pagmu- mura!

Ngunit baka rin pag nakita nakabomba,

Malamang dahil d’yan lumamig ang ulo n’ya!

 

Si Pepe wari ko’y hindi makikisama,

Dahil mga babae siya’y marami na!

Tulad mga Playmates iba’t-ibang lahi pa!

 

Malamang ‘yung sunglasses ang atupagin n’ya!

 

Pag pinilit s’ya ng mga pily- ong barkada

Na silipin mga girls mala- mang sagot n’ya,

“Dejame en paz!” Wat dat? P ASS muna?

Ngek! At baka si Josephine Bracken i-break s’ya!

 

At dahil ating bayani ri’y kartunista,

Baka maisip pa nga n’ya na magpatawa —

Sasabihin ‘yung pamagat nais nya’y iba

At gawing PEPE-LAYBOY Magazine niya!

 

At dahil pormal at ‘di ma- gulo kilala,

Kanyang personalidad aal- agaan n’ya!

Sa tabi ng mga malisyoso dun lang s’ya,

Suot ang sunglasses... ‘DI MO KITA ANG MATA!

 

Ngek! Ang sabi nga ni Baste, “’YUN NAMAN PALA!”

Ang hindi ko matantya itong si Melchora,

Paano mare-react sa bikini at bra?

Malamang takong ng high heels gawing sandata!

 

Siguradong sa make-up mapapangiti s’ya

Pagkat pag Mayo lagi s’yang Reyna Elena!

LAHI KASI NG MAGANDA at syanga pala,

Middle name ko family name of her asawa!

vuukle comment

THROW BACK

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with