^

Entertainment

‘BULLY-MIA: A Hating Disorder’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�BULLY-MIA: A Hating Disorder�

BULLY… maninindak, naghahari-harian!

Manduduro kaya’y nagsisiga-sigaan!

Nakakabwisit ngunit dapat kaawaan

Sapagkat sa tingin ko’y isang karamdaman!

 

Sakit na pambu-bully sa Ingles… BULLY-MIA!

Op kors Ang Poet N’yo lang ay nagpapatawa!

Subalit magkahawig sila alam n’yo ba?

They don’t differ… pareho silang DIPERENSYA!

 

Isang Eating Disorder kasi ang Bulimia,

At isang HATING DISORDER naman ‘yung isa!

Konektado pag-iisip pareho sila

At depression-related ayon siyensya!

 

At “depression” nga ba Ingles ng DIPERENSYA?

Hindi oy, pero mabigat din ‘yang problema!

Well, at ‘yung Bullying at Bulimia nga pala,

May nagsasabing parehong… NAKAKASUKA!

 

Gets n’yo ba? The same pareho nga ang dalawa —

Isang sinusuka’t isang dapat isuka!

What, mga bully “Me Too” movement di’y kasama?

Ahhh, not the women’s group … ME TOYO lang kumbaga!

 

Nung araw mga bully ay nangingikil lang!

Kanyang mga biktima ay binabakalan!

Pag walang maibigay pinagsasabihan

Na sa susunod na lang ito ay gagatasan!

 

Noon PIPITSARAHAN ka and will KIKIL you!

Ngayon ay PI-PICTURE-AN ka pa then will KICK you!

Dati mga bully nakatambay sa kanto,

Ngayon ay nag-oopisina na sa banyo!

 

Bully ay namimili ng kanyang biktima,

Peborit n’ya syempre eh ‘yung lalampa-lampa!

Kung alam mong may bully pinakamaganda —

Ituring mo s’yang sakit na nakakahawa!

 

Iwasang magtagpo ang landas n’yong dalawa,

Pag minalas-malas at natyempuhan ka pa,

Kaibiganin mo’t alukin ng meryenda!

Pero sa susunod pwedeng lasunin mo na!

 

Ngek! Joke la’t kawawa naman pala s’ya!

Hindi lasunin kundi LESSON-IN s’ya pala!

Turuan ng leksyon… mag-tutor ka sa kanya!

At sa mga tests lagi kang magpapakopya!

 

BULLY… nangmamaliit sa mga biktima!

Kadalasan ay higit na mas malaki s’ya!

Eh paano kung ‘yung bully ay mas punggok pa?

‘Yun daw ang AMONG SUROT ang sabi ng iba!

 

Kung ang ating pagkabata ay babalikan,

Tayong lahat naging bully na rin nang minsan!

‘Yung panunukso noon sa may kapansanan,

Pambu-bully na rin… damdamin sinasaktan!

 

Ang hindi normal na galaw at kaanyuhan,

Pag pinagbulunga’y pambu-bully na rin ‘yan!

Subalit pananakit na nang pisikalan

Ay may kabigatan na’t iba nang usapan!

 

Sa nagtanong kung bully ay may pagamutan,

WALA! Ang M.D. ay Mommy at Daddy n’ya lang!

Pag sya’y hindi pa nagamot at napigilan,

Malamang sa BULLY-BID ang kanyang hantungan!

vuukle comment

BULLYING

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with