Miami tinapos ang Boston sa game 7
Kakasahan ang Denver sa NBA Finals
BOSTON — Humataw si Jimmy Butler ng 28 points at nagtala si Caleb Martin ng 26 points at 10 rebounds sa Game Seven ng Eastern Conference finals series para igiya ang Miami Heat sa 103-84 pagsibak sa Celtics.
Nakabawi ang Miami matapos isuko ang 3-0 lead sa Boston sa serye para umabante sa NBA Finals sa ikalawang pagkakataon sa huling apat na seasons.
Lalabanan nila ang Western Conference champion na Denver Nuggets sa Game One ng best-of-seven championship series na nakatakda sa Biyernes.
“We stayed together as a group. As a team, we talked about going and getting a tough one on the road. We did just that,” ani Butler. “But we’re not satisfied. We’re excited. We’re happy. But we’ve got one more to get.”
Kumolekta si Bam Adebayo ng 12 points at 10 rebounds para sa Heat, ang unang No. 8 seed na maglalaro sa NBA Finals matapos ang 1999 New York Knicks.
Winalis ng top-seeded na Nuggets ang Los Angeles Lakers sa kanilang West finals duel.
Nagtala si Jayson Tatum, nagpasabog ng record na 51 points laban sa Philadelphia 76ers sa conference semis, ng 14 points at 11 rebounds para sa Boston.
Nagkaroon siya ng left ankle sprain sa kaagahan ng first period na nakaapekto sa kanyang laro.
Bumangon ang Celtics mula sa 0-3 butas para tumabla sa Heat sa 3-3 at muntik pang makagawa ng kasaysayan.
Nag-ambag si Jaylen Brown ng 19 points habang may 18 markers si Game Six hero Derrick White.
Nakalayo ang Miami sa third period mula sa itinalang 76-66 abante patungo sa paghataw ng 83-66 kalamangan sa fourth quarter mula sa 3-pointer ni Martin at dalawang tirada ni Butler.
- Latest