_freeman
^

PSN Opinyon

Kailangang panagutan

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Freeman

MAHIGIT isang linggo na nang manggulo ang MNLF-Misuari faction sa Zamboanga City. Maraming bahay na ang kanilang sinunog, maraming buhay na ang kanilang sinira, maraming hanapbuhay na ang kanilang itinigil, maraming residente ang pilit na lumikas, at maraming sibilyan ang kanilang binihag at ginamit na panangga sa labanan. Pero habang tumatagal ang labanan, unti-unti na silang nauubusan ng armas at higit sa lahat, tubig at pagkain. Maliban na lamang kung may mga tumutulong sa kanilang sibilyan.

Ayon sa AFP, unti-unti na rin nilang nababawi ang Zamboanga mula sa MNLF. May mga napatay na rebelde, bukod sa mga nahuli at sumuko. Pero base sa mga nakalap na larawan at video ng ABS-CBN sa lugar ng labanan, napakalaki na ng kanilang nasira sa siyudad. Kung kailan madudurog ang rebelyong ito ay hindi pa masabi. Pero dapat may managot sa gulong ito.

Kaya naman hindi talaga puwede ang kundisyon ng MNLF na pabalikin na lang sila sa kanilang kampo, para tumigil na ang labanan. Ganun na lang? Wala nang mananagot sa mga sinunog na tahanan at gusali? Wala nang mananagot sa mga negosyong pinatigil, mga hanapbuhay na sinira ng labanan? Wala nang mananagot para sa mga sibilyan na napatay, na ngayon ay may ulat na pinahirapan pa? Wala nang mananagot para sa gulo na ginawa sa Zamboanga? Ano ang mensahe ang ipaaabot ni Pangulong Aquino sa kung sino-sino diyan na may planong maglunsad ng rebelyon, kung pakakawalan na lang niya ang grupong ito?

Malinaw na rebelyon ang ginawa ng grupong MNLF ni Misuari. At ang rebelyon ay mabigat ang parusa. Kung paparusahan. Hindi rin mapapalampas ang ginawa sa mga inosenteng sibilyang binihag at ginawang panangga, lalo na kung mapapatunayang tinorture pa bago pinatay. Nasaan ang Human Rights Commission? Hindi ba bawal ang torture? Palalampasin na lang lahat iyan, hanggang sa susunod na rebelyon? Kung may isyu, kahit ano pa iyon, hindi dapat idinaan sa ganito. Kaya walang sumagot sa lahat ng panawagan ni Misuari sa mga tingin niyang kasangga niya. Kasi mali ang kanyang ginawa. Kailangan niya itong panagutan.

KANILANG KAYA KUNG MISUARI PANGULONG AQUINO PERO WALA ZAMBOANGA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with