^

Police Metro

16 empleyado ng Kamara, may COVID-19

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales na pumalo na sa 16 ang mga kawani ng Kamara ang nagpositibo sa COVID-19 nang maitala ang dalawang pinakahuling kaso noong Martes.

Sa kaniyang ibinigay na impormasyon, sinabi ni Montales na ang pang-15 kaso ay isang congressional staff na huling pumasok noong July 2 at July 6.

Nakahalubilo naman ng congressional staff sa mga petsang iyon ang kongresista na hindi na pinangalanan at mga kapwa staff nito.

Ang ika-16 naman na kaso ay isang security staff na huling nag-report sa duty noong March 12 at may iniindang sakit sa bato.

Hiniling naman ni Montales ang agarang paggaling ng mga pasyente gayundin ang kalagayan ng kanilang pamilya.

Muling pinaalalahan ni Montales ang lahat lalo na ang mga kawani ng Mababang Kapulungan na magdoble ingat lalo’t mas nahaharap sa mas malaking banta na mahawaan ng COVID-19 ang mga tao bunsod na rin sa pagluwag ng travel restrictions at pagbubukas ng ekonomiya.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with