^

PSN Showbiz

KathNiel hindi nagpa-VIP sa COVID testing

Pilipino Star Ngayon
KathNiel hindi nagpa-VIP sa COVID testing
Kathryn at Daniel

Alam mo, Ateng Salve, ang bongga rin ng mga nag-COVID-19 rapid testing sa ABS-CBN, huh!

Noong Tuesday, nakasabay ni Maricel Soriano at ng ibang mga taga-Ang Sa Iyo Ay Akin ang ibang ABS-CBN employees pati sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nag-rapid testing ang KathNiel dahil nag-taping sila for ASAP Natin ‘To noong Tuesday.

Wala raw pa-VIP sa mga artista!

Kanya-kanyang turn daw. May monoblocs daw na hiwa-hiwalay, kaya pina-practice raw talaga ang social distancing.

Hindi raw porke artista, inuuna na.

Kung sino raw ang nauna sa pila, ‘yon ang tine-test muna.

Kahit nga raw ang KathNiel, wait sa turn nila.

Ang bongga lang na walang singitan. Behaved talaga!

Ruffa at Yam bff na

Nice to hear that, huh! Dahil sa afternoon series nila sa Kapamilya Channel na Love Thy Woman ay sobrang naging close ang cast.

Si Ruffa Gutierrez, close na close kay Yam Concepcion na sobrang bait daw pala.

Noong Tuesday na wala silang taping, bonding-bonding silang dalawa.

‘Kaloka nga dahil sing-sing silang dalawa.

Biniro ko nga si Ruffa dahil nakakaloka ang boses nila at tawa lang siya nang tawa.

Anyway, that day rin ay may pa-lechon belly kay Ruffa si Jana Victoria na sobrang ka-close ng una.

Dating kasama sa Love Thy Woman si Jana, pero isa siya sa mga nawala sa cast nang mag-resume ang kanilang taping dahil nagbawas nga ng characters sa nasabing afternoon series.

Pero ok lang naman ‘yon kay Jana dahil hindi rin naman siya puwedeng mag-lock in nang matagal dahil walang magbabantay sa anak niyang si Jordi.

Oo nga pala, shinare ni Ruffa sa mga kasamahan niya sa Love Thy Woman ang lechon belly na padala ni Jana, kaya naman natuwa ang lahat!

Ganoon naman sila sa set, share-share ng mga pagkaing ipinapadala sa kanila.

Dahil nga naka-lock in sila, parang isang malaking pamilya sila.

‘Yun na!

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with