Raptors tinakasan ang Mavs sa OT
TORONTO — Isinalpak ni DeMar DeRozan ang game-winning basket sa overtime at pinantayan ng Raptors ang pinakamahabang winning streak sa kanilang franchise history matapos ungusan ang Dallas Mavericks, 122-115.
Ito ang pang-11 sunod na arangkada ng Toronto.
Tumapos si DeRozan na may 29 points at kumolekta si Jonas Valanciunas ng 21 points at 12 rebounds para sa pang-18 panalo ng Eastern Conference-leading Raptors sa huli nilang 19 laro.
Ipinahinga naman si point guard Kyle Lowry para sa NBA best na 29-5 record ng Toronto sa kanilang balwarte habang nagdagdag sina Delon Wright at Fred VanVleet ng tig-14 points..
Sa Los Angeles, humataw si guard Goran Dragic ng 30 points, kasama ang go-ahead jumper sa huling 15 segundo ng fourth period para akayin ang Miami Heat sa 92-91 pagtakas sa Lakers.
Ang mintis na fallaway ni Isaiah Thomas sa pagtunog ng final buzzer para sa Lakers ang sumelyo sa panalo ng Heat.
Sa Oakland, nagsalpak si Buddy Hield ng tatlong free throws sa huling 27.5 segundo habang nagsalpak si Willie Cauley-Stein ng isang dunk para tulungan ang Sacramento Kings sa 98-83 paggupo sa Golden State Warriors.
- Latest