^

Para Malibang

May Asim pa si Lolo Para sa Ka-forever

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Balo na ako ng apat na taon mula nang mamayapa si misis. Bale ba ay 56 years old na ako na may sari­ling tindahan ng prutas. Mayroon akong nililigawan na 34 years old na balo rin at mayroong dalawang anak. Ayaw na raw niya sa lalaki dahil nananakit gaya ng kanyang mister noon. Pangako ko naman sa kanya na kahit pitik ay hindi ko siya gagalawin. Hindi naman ako mayaman, pero kaya ko silang buhayin na may pagmamahal at respeto. Kailan ko kaya masusungkit ang oo ng aking nililigawan? - Tatay Pampi

Dear Tatay Pampi,

Maging masugid po kayo sa inyong panliligaw. Ma­ging tapat sa inyong hangarin at malay n’yo ay makuha ninyo ang kanyang tiwala at maging ng mga anak niya. Kung pangangatawan niya ang desisyon na maging single ay respetuhin po ninyo. Maghanap ng iba na magmamahal at magtitiwala sa iyo.

Sumasainyo

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with