Tinatanaw lang Ako Mula sa Malayo
Panaginip: May kinakausap ako sa labas ng bahay nang mapansin ko ang isang babae na nasa kanto at pinapanood lang niya ako. Limang bahay ang layo niya sa kinaroroonan ko. Nang titigan ko ay ina ko pala siya. Sumenyas akong lumapit siya sa akin pero bigla na lang siyang nawala. Ang aking ina ay pumanaw 2 taon na ang nakakaraan.--- Medix’88
Interpretation: Kung minamasdan ka mula sa malayo ng isang kapamilyang pumanaw na pero buhay sa panaginip, isang masayang event ang mangyayari sa pamilya. Maaaring ito ay kasalan, pagsilang sa isang sanggol o isang masuwerteng pangyayari ang mararanasan.
- Latest