^

Para Malibang

Kitchen Chalkboard

KUMPUNERONG KUYA - RCL - Pang-masa

Sa kusina madalas pinaka-busy ang mga tao kaya naman dito rin magandang maglagay ng mga paalala o notes sa mga kasama sa bahay.

Note board o kaya Kitchen chalkboard ang isa sa madali at magandang accent sa ating mga kusina. Bukod sa gamit nito ay nakadadagdag din ito ng karaketer.

Madali lang ang paggawa nito at hindi kinakailangang butasin ang dingding. Magsukat lang ng Self-Adhesive Chalkboard Liner na nabibili sa mga bookstore o art supply stores na sinlaki sa lightweight picture frame na gustong gawing chalkboard. Idikit lang ito sa frame at buo na ito.

Sa pagsabit naman, bumili lang ng picture hanging strips, mas matibay ito sa mga double-sided tape at kaya ang medyo mabibigat na bagay. Maaari rin magdikit sa gilid ng lalagyan ng chalk sa pamamagitan ng nasabing strips na nabibili sa mga bookstore rin.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with