^

PM Sports

Petron Blaze Spikers pinadapa ang Cignal HD team

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpahiwatig ang Pe­t­ron Blaze ng hanga­rin sa pag-angkin sa ti­tulo sa pamamagitan ng 25-17, 8-25, 25-20, 25-17 panalo laban sa Cig­nal HD sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ka­hapon sa Sta. Rosa Sports Center sa Sta. Ro­sa, Laguna.

Mula sa mga hataw ni­na im­ports Lindsay Stal­zer at Hillary Hurley ay hin­di na pinatagal pa ng Blaze Spikers ang laban sa HD Spi­kers at tinapos sa loob ng ma­higit sa dalawang oras la­mang patungo sa pagsungkit sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Isinunod nila ito sa na­unang 25-21, 18-25, 25-17, 25-23, panalo kon­tra sa Sta. Lucia La­dy Realtors noong Peb­rero 17.

“We are not 100 percent yet. Always that’s in progress. But, we over­came all our obsta­cles. In the second set, they (Cignal) were hitting well. That’s one that we have to improve on as the tournament goes on,” sabi ni Stalzer ang MVP noong 2016.

Umarangkada sina Stal­zer, Hurley, Mika Re­yes, Mila Tunay at Ces Molina ng 14 atake at pitong aces para sa 25-17 panalo sa first set na natapos sa 27 mi­nuto.

Ngunit bumawi naman sina imports Jeanne Horton at Sonja Milano­vic mula sa kanilang pi­nagsamang 15-0 run pa­­ra sa madaling 25-8 ka­­lamangan sa second set at maitabla ang laban 2-2 set.

Pero hindi na nagpa­tinag sina Hurley at Stal­zer at tuluyang nang tina­pos ang laban para ibi­gay ang unang talo ng Cignal sa dalawang laro.

Ang unang panalo ng Cignal ay laban sa Co­colife, 25-15, 26-26, 25-15 noong Martes.

Umiskor si Stalzer ng 18 points, kabilang na ang 13 atake at limang aces, habang may 18 points din si Hurley.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with