^

PM Sports

Gilas ibabaling ang galit sa Japan

Pang-masa

Matapos matalo sa Australia sa 2nd window ng Asian Qualifiers

MANILA, Philippines — Tatangkain ng Gilas Pilipinas na makaulit ng panalo kontra sa bisitang Japan sa second window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang sagupaan ngayong alas-7:30 ng gabi kung saan asam din ng Gilas Pilipinas (2-1) na mapatatag ang tangan sa ikalawang puwesto ng Group B sa likod ng wala pang talong Australia (3-0).

Noong nakaraang Nobyembre ay nagtakas ng dikit na 77-71 panalo ang Gilas laban sa Japan sa pagdayo sa Tokyo at pinapaborang makaulit ng tagumpay ngayon.

Ngunit bukod sa asam na ikalawang tagumpay kontra sa mga Japanese ay hangad din ng Nationals na makabawi kaagad mula sa masaklap na kabiguan 68-84 sa mga Boomers noong Huwebes sa Melbourne, Australia.

Sa kabila ng magandang simula ay tumirik ang Gilas sa Australia upang malasap ang kauna-unahang pagkatalo sa torneo.

Kararating lang ng Gilas sa bansa noong Biyernes ng gabi at nangangamba sa pagod na iniinda papasok sa krusyal na sagupaan nila ng Japan.

Sa kabutihang palad, ayon kay head coach Chot Reyes, ay may masasandalan ang koponan na homecourt advantage upang mabalewala ang kanilang pagod.

Naatasang manguna para sa kampanya ng Gilas si four-time Philippine Basketball Association Most Valuable Player June Mar Fajardo matapos pasiklaban ang Australia sa kanyang 15 points.

Nagbalik din sa line-up ng Nationals sina Jayson Castro, Jio Jalalon at Troy Rosaio, habang magpapa­hinga naman sina Kevin Alas, Carl Bryan Cruz at Abu Tratter.

Sabik din na makabawi si naturalized center Andray Blatche matapos magtala ng 8 points.

Samantala, hindi naman padadaig basta-basta ang Japan upang maukit ng kanilang unang tagumpay sa apat na asignatura lalo na at nagmula sila sa mapait na 69-70 kabiguan sa Chinese-Taipei kamakalawa sa kanilang homecourt.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with