^

Punto Mo

Ihi ng baka, gamot sa COVID-19, ayon sa grupo ng mga hindu

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG grupo ng mga Hindu ang nagdaos ng cow urine drinking party noong nakaraang Sabado sapagkat naniniwala sila na ang ihi ng baka ay makakapagpagaling sa mga tinamaan ng COVID-19.

Ang grupong Akhil Bharat Hindu Mahasabha (All India Hindu Union) na ang headquarters ay nasa New Delhi at may 200 miyembro ay nagsabing ang mga baka ay sagrado para sa mga Hindu at ang ihi nito ay pinaniniwalaan nilang may kakayahang makagamot ng mga malulubhang sakit at kabilang dito ang coronavirus.

Ganunman, sinabi ng mga eksperto na ang ihi ng baka ay hindi nakagagamot ng anumang sakit gaya ng cancer o ng coronavirus na sa kasalukuyan ay marami na ang tinamaan.

Pero iginigiit ng Hindu group na nakapagpapagaling ang ihi ng baka. Marami na umano sa grupo nila ang nagpapatunay.

“Kami ay 21 taon nang umiinom ng ihi ng baka at naka­pagpapagaling ito ng sakit. Naliligo rin kami sa ihi ng baka. Hindi na namin kailangan ang English medicine,” sabi ni Om Prakash, isa sa mga dumalo sa party.

Ipinakita naman ni Chakrapani Maharaj, pinuno ng All India Hindu Union, sa isang photographs session ang isang kutsarang ihi ng baka na inilapit sa caricature ng coronavirus.

Maski ang mga leader ng Hindu nationalist party ay naniniwala at ipinayo ang ihi ng baka na nakagagamot ng cancer at iba pang sakit.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with