^

Bansa

NCR, iba pang high-risk areas dapat manatili sa MECQ – UP study

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat manatili sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) at iba pang high-risk areas na apektado ng COVID-19.

Ito ang rekomendasyon ng grupo ng mga researchers mula sa University of the Philippines dahil sa patuloy pa ring pagdami ng kaso ng COVID sa NCR na nananatiling nasa high-risk category.

“We recommend that the national government continue the MECQ in the NCR and consider the same in other high-risk areas. Reproduction number of NCR, which is oscillating at around 1.0 rather than showing a discernible decrease, is a sign that it might be premature to relax the MECQ to GCQ “ pahayag ni  UP Diliman Political Science Department Assistant Professor Ranjit Rye.

Ang pag-aaral ay ginawa ng grupo ni Rye nang irekomenda ng mga opisyales ng LGUs sa NCR na magkaroon ng transition mula MECQ at gawing GCQ mula June 1.

Ani Rye, nalaman ng kanyang team na may 7,119 individuals nationwide ang nagpositibo sa COVID base sa report ng 36 testing centers na hindi pa kasama sa official count ng DOH.

Bukod dito, sinabi ni Rye na walang naging pagbabago sa linggu-linggong bilang ng mga bagong COVID-19 cases sa NCR sa unang 10 araw ng implementasyon ng MECQ mula May 16-25 at ang bagong bilang ng kaso ng COVID sa NCR ay mas mataas pa kung susumahin sa 5 kaso kada araw sa bawat milyong bilang ng populasyon.

Ang mga lunsod ng Makati, Las Piñas at Pasay ang may pinaka mataas na pagdami ng kaso kada linggo gayundin ang patuloy na pagtaas ng kaso sa Maynila, Taguig, Muntinlupa, Caloocan at Pateros.

Batay din sa pag-aaral ng UP researchers, nasa high-risk category din ang Davao City at Laguna.

vuukle comment

COVID-19

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with