^

Bansa

GCQ tuloy sa Metro Manila hanggang June 30; Cebu City balik ECQ

Philstar.com

MANILA, Philippines — Mananatili sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Kalakhang Maynila hanggang sa katapusan ng Hunyo, dalawang linggo matapos unang luwagan ang quarantine sa rehiyon para makabawi ang ekonomiya sa lockdown.

Sa kabila nito, ibinalik naman sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang Lungsod ng Cebu, ayon sa Malacañang, Martes ng madaling araw.

Matatandaang inilagay sa community quarantine ang buong Pilipinas bilang tugon ng gobyerno sa pagdami ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa Pilipinas, na umabot na sa 26,420, ayon sa Department of Health (DOH).

"[President Rodrigo Roa Duterte] places Cebu City under ECQ; Metro Manila remains GCQ. President Rodrigo Roa Duterte, in his Talk to the People Address on June 15, placed Cebu City under enhanced community quarantine (ECQ) starting June 16," ayon kay presidential spokesperson Harry Roque sa ulat ng News5. 

Sa pahayag, sinabi rin ni Roque na ilalagay sa modified enhanced community quarantine (MGCQ) ang Talisay City, Cebu.

Bukod sa Kamaynilaan, GCQ din sa mga sumusunod na lugar hanggang ika-30 ng Hunyo:

Luzon

  • Santiago City
  • Cagayan 
  • Isabela
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Aurora
  • Bataan
  • Bulacan
  • Tarlac
  • Olongapo City
  • Cavite 
  • Laguna
  • Batangas
  • Rizal
  • Quezon
  • Occidental Mindoro

Visayas

  • Mandaue City
  • Lapu-Lapu City
  • Cebu province
  • Bohol
  • Negros Oriental

Ilalagay din sa GCQ ang mga Lungsod ng Davao at Davao sa Mindanao.

"The rest of the country remains under modified general community quarantine (MGCQ) until June 30, 2020," dagdag pa niya.

Una nang naiulat ang kahirapan ng mga commuter sa pagsakay matapos luwagan ang lockdown sa Metro Manila, sa dahilang limitado pa rin ang pampublikong transportasyon at bilang ng mga mananakay na pinapayagan sa loob ng mga tren at bus. Ipinagbabawal pa rin ang mga sasakyan gaya ng jeepney.

Una nang sinabi ng ilang eksperto sa Unibersidad ng Pilipinas na maaaring umabot sa 40,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas pagsapit ng ika-30 ng Hunyo.

Sa mahigit 16,000 Pilipinong nahawaan na ng sakit, halos 2,000 na rito ang namamatay. — James Relativo at may mga ulat mula kay Franco Luna

vuukle comment

CEBU CITY

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

METRO MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with