GCQ sa Metro Manila hanggang December 31, giit ng OCTA
MANILA, Philippines — Nais din ng OCTA Research team na ma-extend ang pagpapairal ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang December 31 ng taong ito.
Ayon kay UP Professor Guido David ng OCTA Research Team, kailangang mapalawig ng hanggang sa katapuan ng Disyembre ang GCQ sa Kalakhang Maynila dahil hindi pa ito handa sa inaasahang pagre-relax sa quarantine dahil may mga indikasyon pa ng pagtaas ng kaso dito.
Anya, may 15 percent ang itinaas ng COVID case sa Metro Manila o nasa 400 mula sa 350 noong nakaraang linggo.
Sinabi ni David na ang pagtaas ng kaso ay maaaring dulot ng pagtaas ng paggalaw, community transmission, o ng backlog sa COVID-19 testing.
Anya, malamang na tumaas pa ang kaso ng COVID- 19 kung luluwagan ang restriksyon sa MMLA.
Una nang nagdesisyon ang MMLA Mayors na i-extend ang implementasyon ng GCQ sa NCR hanggang matapos ang 2020.
- Latest