^

Police Metro

Maynila: Kaso ng dengue at leptos­pirosis, patuloy ang paglobo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy umano ang pag­lobo ng naitatalang kaso ng dengue at leptospirosis sa lungsod ng Maynila.

Batay sa Daily W.I.L.D. Disease Update na inilabas ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nabatid na nitong Biyernes lamang, Setyembre 11, ay nakapagtala pa ang Manila Health Department (MHD) ng 53 bagong kaso ng dengue at 46 bagong kaso ng leptospirosis.

Kaya ang total dengue cases sa lungsod ngayong taon, o mula Enero 1 hanggang Setyembre 11, 2026, ay pumalo na sa 2,862 habang ang total leptospirosis cases naman ay umakyat na sa 1,224.

Nasa 48 naman ang bagong kaso ng influenza-like illness (ILI) na naitala ng MHD nitong Biyernes, sanhi upang umabot na sa 1,499 ang total cases nito ngayong taon.

Tig-isang kaso naman ang nadagdag sa datos ng severe acute respiratory infection (SARI) na may 353 total cases na ngayon taon, at sa COVID-19 na may 92 confirmed cases na.

DENGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with