Layunin ng community quarantine na simulan nang ipatutupad sa Marso 15 na limitahan ang galaw ng mga taong naninirahan sa Metro Manila upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.
Philstar.com/Irish Lising
‘No ID, no entry’ sa Metro Manila
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula sa Lunes, Marso 16 ay hindi makakapasok sa National Capital Region ang mga empleyadong naninirahan sa probinsiya pero nagta-trabaho sa Metro Manila kung hindi makakapagpakita ng ID.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, dapat may maipakitang company ID ang mga empleyado bilang katibayan na sa Metro Manila sila nagta-trabaho.

Maari rin aniyang magpakita ng “proof of employment” ang mga maaapektuhang emple­yado.

“Marami po talaga mga nakatira outside Metro Manila at everyday nagko-commute sila, so magpakita lang ho ng ID. Iyong mga kumpanya, we would require them to issue IDs to their employees, lalo na those living outside Metro Manila, or show proof of employment,” sabi ni Nograles.

Layunin ng community quarantine na simulan nang ipatutupad sa Marso 15 na limitahan ang galaw ng mga taong naninirahan sa Metro Manila upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Sinabi naman ni Ca­binet Secretary Karlo Nograles na pag-uusapan sa meeting ng Inter-Agency Task Force ang tungkol sa mga empleyado sa NCR na naninirahan sa mga kalapit na probinsiya upang makapagpalabas ng malinaw na polisiya.

Samantala, nasa 40,000 police officers ang ipakakalat ng PNP sa pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.

Binigyan diin ni acting PNP spokesman Maj. Gen. Benigno Durana Jr. na, mahalaga na mamonitor ang mga papasok at lalabas ng Metro Manila.

Sa ilalim ng community quarantine ang land, domestic air, at domestic sea travel papunta at palabas ng MM ay hindi papayagan simula March 15 hanggang April 14. Doris Franche

 

METRO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with