Kolorum, overloading tututukan sa Metro Manila
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2019 - 12:00am

Sa pagsisimula ng klase ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng 2019-2020 school year ngayong araw, tututukan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang overloading ng mga pampublikong sasakyan at service vehicles maging ang operasyon ng mga kolorum upang matiyak ang seguridad ng mga estudyante.

Sinabi ni NCRPO chief, P/Major Gen. Guillermo Elea­zar na pahihigpitin nila ang implementasyon ng traffic rules kaugnay ng labis na bilang ng mga pasahero lalo na sa mga nagse-service sa mga paaralan na nalalagay sa panganib ang mga estudyante.

Gayundin ang operasyon ng mga kolorum na behikulo na target ang mga estud­yante alinsunod sa direktiba ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Nabatid din na nasa 7,000 pulis ang ikakalat ng NCRPO sa bisinidad ng mga paaralan at maging sa mga kalsada patungo sa mga ito upang malabanan ang pag-atake ng mga kriminal na target ang mga nagbabalik na estudyante sa ilalim ng kanilang “Ligtas Balik Es­kwela 2019”.

“For the past months, ang PNP ay handa na, infact for the past two weeks sa ating ‘BRIGADA ESKWELA’, ang NCRPO kasama ang ibang ahensya ay nakipag-ugna­yan at tumulong sa paghahanda para sa pagbubukas ng klase bukas,” ani NCRPO.

Patuloy pa rin umano ang kanilang anti-criminality opera­tions sa pagkakasa ang mga checkpoints sa pi­ling lugar.

Pinaalalahanan din ni Eleazar ang mga magulang ng mga mag-aaral na maging responsable at tutukan din ang kaligtasan ng kanilang mga anak laban sa mga masasamang-loob katuwang ang pulisya.

METRO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with