Kampanya vs kolorum, totohanan na kaya?
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - June 6, 2014 - 12:00am

SIMULA Hunyo 19, epektibo nang ipapatupad ng Land Transportation Franchising Board (LTFRB) ang paniningil ng multa na aabot sa isang milyong piso sa mahuhuling mga kolorum na bus na pumapasada sa Metro Manila.

Bukod pa umano sa multa may kaakibat pa itong tatlong buwang pagka-impound ng bus, idagdag pa nga ang pagkansela sa kanilang CBC, blacklisting, at revocation ng kanilang registration sa unang offense pa lamang.

Sa ikalawang pagkakataon nang pagkahuli na kasama na ang mga naunang binanggit na parusa, ay madaragdag pa ang fleet cancellation at perpetual disqualification.

Hindi lang sa kolorum na bus magkakaroon nang mahigpit na parusa at malaking multa, kundi maging sa mga kolorum din na jeep , van at trak.

Aabot sa P200,000 ang multang inilaan sa mahuhuling kolorum na  van at trak, P120,000 naman sa sedan o taxi at P50,000 naman sa mga kolorum na jeep.

Layunin nang pagwawalis na ito sa kolorum ay mabawasan ang mga ilegal na pumapasada sa mga lansangan na sanhi umano ng matinding pagsisikip ng trapiko sa mga daan sa Metro Manila.

Ang tanong ngayon dito ay maipatupad naman kaya ito nang maayos at may ngipin.

Maganda ang layuning ito ng ahensya na dapat ay matagal na sanang ipinatupad, ang nagkapag-aalala lang dito ay baka maging dahilan pa ito nang pagtindi ng korupsyon sa panig ng mga manghuhuli.

Baka naman maging gatasan ito ng mga traffic enforcer na ito naman ang dapat ding mabantayan nang husto ng mga kinauukulan.

Kasi nga eh, marami nang naging panukala o kampanya laban sa mga kolorum na sasakyan pero bakit hanggang sa ngayon eh patuloy ang mga ito sa pamamasada sa mga lansangan.

Sana nga ay maging ma­tagumpay ang ganitong mahigpit na parusa o malalaking multa, para mawalis ang mga kolorum at hindi lang mauwi sa puro panukala na wala namang kinakahinatnan o kinatutuparan.

Kahit paano kasi kung talagang matututukan ang mga kolorum na ito, kahit pa­ano ay makakatulong ito kahit papa­ano na maibsan ang matin­ding trapik sa Metro Manila, lalo na nga ngayon at nagsimula nang magbukas ang ilang mga paaralan. Hindi sana ito ma­ging ningas-kugon lamang.

 

AABOT BUKOD HUNYO KOLORUM LAND TRANSPORTATION FRANCHISING BOARD METRO MANILA NANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with