Vilma matagal ang hihintayin bago magdirek
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2013 - 12:00am

Sa kabila ng kanyang pagiging abala bilang gobernadora ng Batangas, gustong makapag-direk ng pelikula ni Gob. Vilma Santos.

Marami ang nagsasabing mas mahirap na trabaho ang pagdidirek kung ikukumpara sa pagiging artista. Kung ang artista ay concerned lamang sa kanyang role sa isang proyekto, trabaho ng direktor ang kabuuan ng pelikula mula sa acting ng kanyang mga artista hanggang sa artistic side nito, cinematography, lighting, editing, sound, lahat-lahat.

Kaya Ate Vi, baka gusto mo’ng mag-reconsider. Matrabaho ito, kahit na isang indie ang uunahin mong ididirek. Baka kung sa acting ay isang buwan lang ang kinakailangan mong panahon, bilang direktor baka dumoble o maging triple pa.

Kung sabagay gagawin lang naman daw niya ito pag wala nang siyang ginagawa sa Batangas.

Kapangetan ng Metro Manila kinilala sa Britist Filmfest

‘Nalo nga ang Metro Manila bilang Best Film sa British International Film Awards (BIFA), nakararamdam naman ako ang sadness na ang tema ng pelikula ay ang hindi kagandahang buhay sa Kamaynilaan pero mas ang katuwaan ko dahil bukod sa Britist director and crew ng bumubuo ng produksyon nito ay pawang Pinoy ang gumaganap ng major lead sa movies, sina John Arcilla, Jake Macapagal, at Althea Vega. Hindi man sila nanalo ng awards, at least ngayon aware na ang mga Briton sa kagandahang umarte ng mga Pinoy. Sapat na ‘yun for a start.

Kanino pa natin ipagkakatiwala ang donasyon?

Kung ganyang pati ang Red Cross ay nabahiran na ng pagdududa dahil mismong ang gobernadora nitong si Rosa Rosal ay gustong  ipa-audit ang pondo nito, kanino pa natin ipagkakatiwala ang mga tulong natin, lalo na cash,sa mga nagiging biktima ng kalamidad?

ALTHEA VEGA BEST FILM BRITISH INTERNATIONAL FILM AWARDS BRITIST FILMFEST JAKE MACAPAGAL JOHN ARCILLA KAYA ATE VI METRO MANILA PINOY RED CROSS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with