^

Punto Mo

4 na pulis-Masbate, sibak sa kotong! -- General Lee

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KADA linggo na halos ay may nahuhuling tiwaling pulis itong Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police (PNP) subalit may nangangahas pa ring gumawa ng katarantaduhan, tulad ng kasong extortion. At  mukhang hindi pa matatapos ito dahil parang COVID-19 din na walang gamot. 

Araguuyyy! Dapat sigurong iutos din ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na pag- aralan kung ano ang motibo ng pera-pera na lakad ng mga pulis eh halos dinoble na ni President Digong ang kanilang suweldo.

Nagugumon kaya sila sa babae, bisyo o ano pa kaya? Alam naman ng kapulisan na isang pagkakamali lang nila ay sibak kaagad sila sa serbisyo dahil sa kasagsagan ng internal cleansing program ni Gamboa. Subalit parang hindi pa get’s ito ng kapulisan. Araguuyyy! Habang duma­rami naman ang nahuhuling tiwaling pulis ng IMEG, parang nakadagdag pa ito para masira ­ang imahe ng kapulisan kahit accomplishment pa ang dating nito. Hak hak hak! Matatapos din ang problemang ito ng PNP, ‘di ba mga kosa?

Ang bagong nahuli ng tauhan ni IMEG chief Brig. Gen. Ronald Lee ay sina Maj. John Cutaran, at SSgt. Rommel Naval, ng 502nd Maritime Office ng Maritime Group na nakabase sa Pier 7 sa Masbate City, Masbate. Sina Cutaran at Naval, kasama sina Lt. Melencio Huela at SSgt. Ronald Puerto ay inakusahang nangongotong ng P400,000 kay Donato Villaciran, may-ari ng fishing boat na kanilang hinuli noong Hulyo 7.

Naaresto sina Cutaran at Naval sa mismong opisina nila noong Linggo habang  tinatanggap ang P250,000 kay VIllaciran. Araguuyyy! Sinabi ni Lee na matagal nang raket ng tropa ni Cutaran, na miyembro ng PNPA Class ‘07, na ang binibiktima ay mga fishing boat na lumalapag sa Masbate, Iloilo, Cebu at Palawan. Hak hak hak! Dapat lang palang makalos na ang tropa ni Cutaran ano mga kosa?

Sinabi ni Villaciran na ang nahuling isda ng kanyang fishing boat ay inilipat sa F/B RAV 2 sa Isla de Gato sa Daanbantayan, Cebu nang akyatin ng tropa ni Cutaran, na walang maipakitang boarding certificate at inspection apprehension report (IAR). Natanto ni Cutaran na pito sa 28 crew nito ay walang fisherman’s license mula sa BFAR.

Dinala ang fishing boat sa Masbate City at hanggang Hulyo 11 ay hindi ito sinampahan ng kaso, ani Lee. At dito na nagkaroon ng negosasyon hanggang bumaba sa P250,000 ang hinihingi ng tropa ni Cutaran at nagkaroon nga ng entrapment operation ang IMEG, SAF, intelligence ng PRO5 at PRO7 at Masbate PPO. SWAK sina Cutaran at Naval.

Subalit may twist dito mga kosa dahil kinakalat ng mga tropa ni Cutaran, Naval at  pamilya nila na planted ang ebidensiya ng raiding team. Ayon sa tropa ni Cutaran, nag-file sila ng kaso laban sa mga bataan ni Villaciran sa BFAR noong Hulyo 10. Iginiit ni Lee na gimik lang ito ni Cutaran para pagtakpan ang negosasyon nila ng pitsa kay Villaciran. Sa pananaliksik ni Lee, walang ni isang kasong nai-file si Cutaran sa anti-illegal fishing task force sa Masbate at ang suki n’yang opisina ay ang BFAR. hak hak hak! Alam na, di ba mga kosa? Tumpak!

Nanawagan si Lee sa kabaro niya na tigilan na ang mga extra curricular activities nila dahil nalulungkot din siya kapag may nahuhuli siyang pulis. Kung sabagay, trabaho lang ito at walang personalan. Abangan!

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with