^

PM Sports

Giyera sa semis didribol na

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mag-uunahan sa finals ang Marinerong Pilipino-San Beda kontra sa Wangs Basketball @27 Strikers-Letran pati na ang reig­ning champion EcoOil-La Salle kontra sa University of Perpetual Help System Dalta sa pagsiklab ng 2023 PBA D-League Aspirants’ Cup Final Four ngayon sa Ynares Sports Arena.

Unang paparada ang magkaribal na Red L­ions at Knights sa alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Green Archers at ng Altas sa alas-4 ng hapon para sa misyong makauna sa maikling best-of-three semifinal series.

Paborito ang San Beda at La Salle bilang Top 2 seeds pagkatapos ng eliminasyon kaya naka-diretso agad sa semis sakay pa ng isang linggong pa­hinga habang nag-aantay sa makakalusot mula sa quarterfinals.

Pero ayaw nilang magpa-kampante lalo at nasa momentum ang Letran at Perpetual matapos sulitin ang twice-to-beat incentives sa quarters kontra sa CEU, 94-87 sa overtime, at PSP, 97-90, ayon sa pagkakasunod.

Bagama’t isang araw lang ang pahinga, determinado ang Knights at Altas.

“We’re very excited kasi San Beda makakalaban namin. They’re the No. 1 team at ’yun ang nagmo-motivate sa amin. We need to stick on our defense na nagbibigay sa amin ng buhay at siyang kultura namin dito sa Letran,” ani coach Rensy Bajar sa kanyang unang Final Four stint bilang bagong pinuno ng Knights.

vuukle comment

PBA D-LEAGUE AS­PIRANTS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with