^

PM Sports

Bakbakan na!

Chris Co - Pang-masa

Gilas Pool pinangalanan

MANILA, Philippines — Buo na ang Gilas Pilipinas kaya’t magiging puspusan na ang preparasyon sa 2023 FIBA World Cup na lalarga sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Pinangalanan na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang 21 players na mapapasama sa pool.

Una na si NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz, at sina naturalized players Justin Brownlee at big man Ange Kouame.

Pasok din sa pool sina 7-foot-3 young big man Kai Sotto, reigning PBA MVP Scottie Thompson at dating PBA MVP June Mar Fajardo.

Kasama sina Dwight Ramos, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Jordan Heading, Kiefer Ravena, CJ Perez, Roger Pogoy, Thirdy Ravena, Carl Tamayo, Japeth Aguilar, Poy Erram, Bobby Ray Parks Jr. at Calvin Oftana.

Natupad ang pangarap nina NCAA men’s basketball champion at league Most Valuable Player Rhenz Abando at AJ Edu na mapasama sa pool ng Gilas.

Kahapon, opisyal nang nagsimula ang training camp ng Gilas Pilipinas sa Meralco gym para sa FIBA World Cup.

Bubuo muna ng che­mistry ang Gilas Pilipinas sa Maynila bago tumulak sa huling bahagi ng Hunyo sa Europe para sumalang sa training camp.

Mas matinding training ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas sa Europe dahil sasalang ito sa iba’t ibang tuneup games laban sa Estonia, Finland, Latvia at Lithuania.

Nasa recovery period pa sina Fajardo, Pogoy at Aguilar matapos magtamo ng injury sa nakalipas na PBA Governors’ Cup.

Sariwa pa si Abando sa matagumpay na kampanya kasama ang Anyang KGC na nagkampeon sa Korean Basketball League.

Sa kabilang banda, wala pang linaw kung makakasama si Sotto sa training camp dahil kasalukuyan itong nasa Amerika para lumahok sa mini camps.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with