Weiss muling igigiya ang Azkals
MANILA, Philippines — Matapos ang 10 taon ay magbabalik si Hans Michael Weiss para muling pamahalaan ang Philippine Azkals.
Hinawakan ni Weiss ang Azkals noong 2011 hanggang 2013 habang iginiya niya ang Laos national team pati na ang Romania first division club Otelul Galati at ang Mongolia squad.
Ihahanda ng German mentor ang Azkals para sa lalahukang friendly matches kontra sa Nepal at Chinese Taipei sa Hunyo 15 at 19, ayon sa pagkakasunod.
“He has kept the Philippines close to his heart and continues to be a well-respected figure by players and staff,” sabi ni Philippine Football Federation (PFF) president Mariano ‘Nonong’ Araneta kay Weiss.
Nagpadala na ang PFF ng imbitasyon para sa mga players na gustong sumali sa kanilang mga training camps at friendly matches.
Kabilang sa mga ito sina Neil Etheridge, Patrick Deyto, Julian Schwarzer, Amani Aguinaldo at Jarvey Gayoso na anak ni dating PBA player Jayvee Gayoso.
- Latest