^

PSN Showbiz

Betong at Buboy, over-exposed na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Betong at Buboy, over-exposed na!
Betong

Nakakatamad ang bagong Eat Bulaga na inilabas ng Tape Inc. sa Channel 7. Over exposed na ang kanilang mga host.

Lahat na lang ng comedy shows nila ay naroroon si Betong at si Buboy Villar. Ok iyan para sa talent nila dahil kikita sila nang malaki kung maraming shows na nilalabasan pero ang hindi nila naiintindihan, basta ginawa nila iyon   iikli naman ang takbo ng kanilang career.

Isang magandang example na nga ang ginawa nila kay Ogie Alcasid noong araw, sinagad nila si Ogie  inilagay sa kung anu-anong shows. Nang medyo nagsawa na ang tao sa kanya, ano pa nga ba? Kaya lumipat na ito ng ABS-CBN.

Ang bago pala nilang direktor ay si Jack Zarate na dati lang daw camera man ng Eat Bulaga. Siguro mapapaganda niya ang visuals dahil camera man siya pero papaano iyong co­medy na siyang puhunan talaga ng Eat Bulaga. Dapat ang direktor niyan bihasa sa comedy.

Siguro may magtitiyaga naman sa kanila hanggang hindi nag-babalik on the air ang TVJ pero oras na bumalik iyon sa kahit na anong channel, tapos na sila.

Hindi rin naman uubra iyong idea ni Tito Sotto na ilalabas nila ang Eat Bulaga sa social media.

At baka nga duda rin ang GMA 7 sa kakayahan ng TAPE Inc. Kasi bakit hindi nila isinama si Alden Richards sa mga bagong host?

Bakit hindi nila ibinigay si Gabby Concepcion, si Sanya Lopez, si Marian Rivera at ang iba pa nilang malalaking stars?

Baka naman inaantay lang ng GMA na pu­malpak at hindi makabayad ng blocktime at matapos ang kontrata bago gumawa ng panibagong hakbang laban sa TAPE.

Kung sabagay, kaya iyang pondohan ni da­ting Congressman Romy Jalosjos, pero hanggang kailan? Lalo na’t alam niyang para lang siyang magtatapon ng pera riyan.

At Kung manalo pa sa kaso ang grupo ng TVJ, at Mr.Tony Tuviera at mapatunayan nilang sila ang totoong may-ari ng Eat Bulaga ano nga kaya ang mangyayari sa kanilang noontime show?

Pero ngayon maniniwala kami kung sabihin na for the first time, inilampaso ng Showtime ang Eat Bulaga.

Samantala, si Paolo Contis ay nega ngayon dahil naungakat na namang hindi niya sinustentuhan ang sino man sa mga anak niya kay Lian Paz at  LJ Reyes. Kaya nga gusto ng mga anak niya kay Lian na alisin na ng apelyido nilang Contis.

Tapos sumabak bilang main host ng show?

Mukhang mali rin ang sinasabi ng mga tao sa TAPE na matanda na ang TVJ at ngayon ay dapat nang mag-retire para bigyang pagkakataon ang mga baguhan.

Hindi ba sila aware sa naging reaksiyon nang alisin sa kanyang trabaho si Galyn Susman, ang taong nagsalba ng Toy Story 2, na pinagkakitaan ng Pixar ng 511 milyong dolyar sa sa mga sinehan noon?

Ang kuwento, noong ginagawa nila ang Toy Story, nagkaroon ng isang aksidente. Hindi na rin nila nalaman kung sino sa mahigit na 400 animators ang nagkamali ng pindot sa kanyang computer na bumura sa malaking bahagi ng Toy Story 2.

Ibig sabihin noon sira na ang pelikula at kailangan nilang ulitin lahat iyon.

May isa silang kasama, si Galyn Susman, na nakapag-save pala ng lahat ng trabahong nagawa nila sa kanyang personal na computer sa bahay na noon ay naka-work from home siya  kapapanganak lang niya.

Kung hindi nagmalasakit si Susman sa kanilang trabaho, nalugi nang malaki ang Pixar.

Kaya nga galit na galit ang mga netizen nang mabalita noong isang araw na inalis ng Pixar sa trabaho si Galyn Susman na ang tanging dahilan ay dahil sa paniwala nilang matanda na siya at dapt nang palitan ng mga bata.

Ganoon naman ang karaniwang kumpanya, wala silang pakialam kung ano ang nagawa mo para sa kanila.

Hindi ba ganyan din ang naririnig natin ngayon tungkol sa TVJ, inalis sila dahil may edad na at hindi na naalala ang mga sakripisyo nila para sa kanilang show at ng lahat ng nagawa nila.

Tingnan natin ang mga susunod na pangyayari!

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with