^

PM Sports

Abarrientos, Belangel handa rin sa Gilas call up

Chris Co - Pang-masa
Abarrientos, Belangel handa rin sa Gilas call up
RJ Abarrientos
Facebook / Ulsan Hyundai Mobis Phoebus

MANILA, Philippines — Gaya ng ibang local players, handa sina RJ Abarrientos at SJ Belangel na tumugon sakaling kailanganin ang mga ito sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup.

Wala pang pinapanga­lanan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa mga bubuo sa Gilas Pilipinas pool na sasalang sa pukpukang ensayo para paghandaan ang FIBA World Cup.

Nakatakdang magsi­mula ang training camp ng Gilas Pilipinas sa Hunyo 7 na pamumunuan ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.

Kaya naman kung mabibigyan ng pagkaka­taon, nais nina Abarrientos at Belangel na makasama sa pool.

Malaking karangalan para kina Abarrientos at Belangel na makapagsuot ng Gilas Pilipinas jersey lalo pa’t isang malaking torneo ang FIBA World Cup.

Mga bigating teams ang darating sa Pilipinas sa Agosto 25 hanggang Set­yembre 10 partikular na ang powerhouse United States.

“Naghihintay lang ako ng tawag,” ani Abarrientos.

Hindi naman na bago sina Abarrientos at Belangel.

Dati nang naging bahagi ng Gilas Pilipinas sina Abarrientos at Belangel sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“Gusto ko ulit ma­ging part ng Gilas,” ani Belangel.

Maliban sa Asian Qualifiers, naglaro rin sina Abarrientos at Belangel sa 2021 King Abdullah Cup.

Walang tigil sa ensayo sina Abarrientos at Belangel para masigurong nasa tamang kundisyon ang mga ito sakaling ipatawag ito sa Gilas Pilipinas.

Sa kasalukuyan, si naturalized player Justin Brownlee ang siguradong kasama sa Gilas Pilipinas pool.

Dalawang linggong magsasanay ang Pinoy squad sa Pilipinas bago tumulak sa Europa para ipagpatuloy doon ang training camp.

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with