^

PM Sports

Edu sabit uli sa Gilas pool

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang taon, balik Gilas Pilipinas na uli ang pambatong big man na si AJ Edu bilang bahagi ng pool para sa 2023 FIBA World Cup.

Mismong si 6-foot-11 Edu ang nag-kumpirma na sasama siya sa trai­ning camp ng Gilas para sa misyong mapabilang sa seniors team sa unang pagkakataon lalo na para sa prestihiyosong World Cup na dito gaganapin.

“I’ll be part of the pool and try to earn my way into the final 12. That’s the biggest reason why I’m here, to achieve that goal,” anang Filipino-Nigerian standout sa Power and Play program ni dating PBA commissioner at PSC chairman Noli Eala kahapon.

Kakarating lang ni Edu sa Pinas at hindi na makapaghintay na makasali sa Gilas seniors team na sisimulan ang dalawang buwang preparasyon para sa World Cup sa susunod na Lunes.

Siniguro ni Edu na wala na siyang iniinda upang mabigay ang lahat sa Gilas matapos ang sunud-sunod na injuries buhat nang madale ng ACL tear noong 2019 FIBA World Cup sa Greece, kung saan nakasama niya sa Gilas youth si Kai Sotto.

Sa katunayan, solido ang naging stint ni Edu sa huling taon niya para sa Toledo Rockets sa US NCAA bago magsanay sa Australia at umuwi sa Pinas. 

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with