Nurse sa 76ers; Williams sa Pistons
PHILADELPHIA — Mula ngayon ay si dating Toronto Raptors’ coach Nick Nurse na ang hahawak sa 76ers.
Pinalitan ni Nurse si Doc Rivers bilang mentor ng Philadelphia na binabanderahan nina Joel Embiid at James Harden.
“James has a decision to make, and I’d be very happy if he came back,” wika ni Nurse kay Harden na inaasahang magiging free agent sa susunod na season.
Iginiya ng 55-anyos na si Nurse ang Raptors sa NBA crown noong 2019 sa likod nina Kawhi Leonard, Pascal Siakam at Kyle Lowry.
Umaasa ang 76ers na madadala sila ni Nurse sa kanilang unang Eastern Conference Finals matapos noong 2001.
Samantala, kinuha ng Detroit Pistons si dating Phoenix Suns’ coach Monty Williams.
Sinibak ng Suns si Williams noong Mayo matapos mapatalsik ang koponan sa second round ng playoffs.
- Latest