^

PM Sports

Tornadoes magbabalik-aksyon sa PVL

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magbabalik ang two-time Philippine Superliga champions na Foton Tornadoes sa volleyball scene sa pagpasok sa Premier Volleyball League (PVL).

Nagparamdam na ang Tornadoes nang ihayag ang kanilang pag-entra sa PVL sa kanilang mga social media account.

“Ready to take the court by storm. After four years, we’re making our club volleyball comeback! Stay tuned for more details,” ayon sa post ng Tornadoes.

Hindi pa malinaw kung sa Invitational Conference ito papasok o sa kasunod na Reinforced Conference.

Ang Foton Tornadoes ay sister team ng Chery Tiggo Crossovers.

Usap-usapan na sa social media na hahatiin ang kasalukuyang lineup ng Crossovers upang makabuo ng bagong team para sa Tornadoes.

Ngunit wala pang opisyal na pahayag ang Foton sa komposisyon ng lineup nito.

Ilan sa mga naglabasang ulat ang pagbabalik ni top spiker Jaja Santiago matapos masilayang nagsasanay kasama ang Chery Tiggo.

Hindi na bago ang Foton sa volleyball community na makailang beses nang gumawa ng ingay sa PSL.

Dalawang beses na silang nagkampeon sa PSL.

Una na noong 2015 Grand Prix kasama si Santiago at sina American imports Lindsay Stalzer at Katie Messing.

Naulit ito ng Tornadoes noong 2016 Grand Prix kasama pa rin sina Stalzer at Santiago at ang bagong import na si Ariel Usher.

Ang Foton ang magiging pang-11 team sa PVL.

Magpapasiklab din sa Invitational Conference ang mga baguhang Gerflor at Farm Fresh.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with