^

PSN Showbiz

Eat Bulaga naghahanap ng mga bagong host, TVJ babu na talaga?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Eat Bulaga naghahanap ng mga bagong host, TVJ babu na talaga?!
Tito, Vic at Joey
STAR / File

Totoo kayang naghahanap pa rin daw ang mga taga-TAPE, Inc. ng mga bagong maghu-host ng Eat Bulaga?

May mga nagsulat na lilipat daw sa TV5 ang Tito, Vic Sotto, and Joey de Leon dala ang buong Dabarkads ng Eat Bulaga.

Pero tiyak na malaking isyu ‘yan kung madadala nga ng TVJ ang buong programa ng Eat Bulaga.

Ilang beses sinasabi noon ng dating Sen. Tito Sotto na pag-aari nila ng titulong Eat Bulaga. Pero sinasabi naman ng iba na ang TAPE, Inc. ang producer nitong longest-running noontime show, kaya mananatiling nasa kanila raw ito.

Tingnan natin kung paano mangyari, kung hindi sila magkakasundo.

Tahimik lang muna sa ngayon ang Jalosjos siblings na siyang namamahala ng TAPE, Inc.

Ilang beses din naming sinubukang hingan ng pahayag si Bossing Vic sa nakaraang presscon ng Open 24/7, pero ayaw niyang magsalita.

Ang iba pang naririnig naming haka-haka ay ang posibilidad na pagsasanib ng GMA 7 at TAPE, Inc. para sa Eat Bulaga.

Ang sabi pa ng ilang sources namin, mahigit P50M ang kinikita ng Kapuso network sa TAPE, Inc. mula sa Eat Bulaga buwan-buwan.

Kung sila raw mismo ang magpu-produce kasama ang TAPE, mas malaki ang kikitain nila.

Pawang haka-haka pa lamang ‘yun. Lalabas din naman ang buong katotohanan na posibleng sasambulat ito sa susunod na buwan.

Kagaya ng bagyo, tahimik muna ang paligid bago manalasa ang isang malakas na bagyo. ‘Yan ang aabangan natin sa Eat Bulaga!

Sunshine at Cesar, wish na tularan ng mga naghihiwalay!

Posible namang maayos ang mga gusot, in God’s perfect time! ‘Yan ang nangyari sa da­ting mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Hindi maganda ang kanilang paghihiwalay noon, na talagang pinagpiyestahan ng lahat. Umabot pa sa demandahan, pero ang ending ay nagkaayos din sila, para sa kanilang mga anak.

Magkasama sina Cesar at Sunshine na dumalo sa graduation ng anak nilang si Sam kamakailan lang.

Naikuwento sa amin ni Sunshine sa nakaraang mediacon ng bagong teleseryeng Unbreak My Heart na maayos daw silang nagkausap doon ni Cesar.

Isa sa pinag-usapan nila ay isang movie project posibleng pagsasamahan nila.

Ani Sunshine, “Nung graduation ng anak ko, for almost three hours, magkatabi kami sa upuan.

“So we talked about things na meron siyang script na parang… he’s considering me to be a part of it. Sabi ko, ‘Why not?’

“And then he talked about ‘yung na-COVID siya, na almost, no, na muntik na siyang ma-intubate. ‘Yung mga ganung kuwentuhan.

“And we talked about of course Kath, the kids, ‘yung mga anak niya rin with Kath, ‘yung mga ganun.”

Ilang beses naman na sinasabi ni Sunshine sa mga nakaraang interviews na kasundo niya ang kasalukuyang partner ni Cesar na si Kath Angeles.

Maituturing na isang buong pamilya sila, kasama ang iba pang mga anak ni Cesar sa mga dating nakarelasyon.

Kaya ang ganda lang tingnan na okay na okay silang lahat, pagkatapos ng unos na pinagdaanan nila at ilan pang mga ‘di magagandang balita tungkol sa kanila.

Sabi naman ni Sunshine, alam niyang darating ang araw na magkakaayos silang lahat alang-alang sa kanilang tatlong anak.

“Time heals all wounds,” sabi nga ng aktres.

“I think its possible naman ever since. But we just needed time.

“Kumbaga sa sugat, hindi naman lahat naghihilom at darating ang panahon, isang araw magigi­sing ka, and everything is okay.

“Nakikita ko na masaya ang mga anak ko kapag kasama nila si Tita Kath nila, mga siblings nila at si Cesar.

“Who am I not to be happy? Buhay ko ang mga anak ko. Kaligayahan nila, kaligayahan ko.

“Masarap lang ‘yung feeling na ‘yung mga milestones ng mga anak ko, magkasama na kami, ‘di ba? Magkakasama kami.

“Blessing ‘yun. Blessing for us,” sabi pa ni Sunshine.

Ang ganda ng ganitong kuwento na walang kanegahan.

Sana ganito rin ang kahihinatnan ng isyung hiwalayan nina Pokwang at Lee O’Brian.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with