^

PSN Palaro

Commissioner’s Cup ang magbubukas sa PBA Season 48

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Commissioner�s Cup ang magbubukas sa PBA Season 48
Nakipag-usap si PBA chairman Ricky Vargas kina commissioner Willie Marcial, TV5 president/CEO Guido Zaballero at CignalTV first vice president Sienna Olaso sa Paris

MANILA, Philippines — Imbes na ang tradis­yunal na Philippine Cup, ang Commissioner’s Cup ang magbubukas sa PBA Season 48 sa Oktubre.

Ang nasabing import-flavored tournament ang magiging unang koronang pag-aagawan sa two-conference format ng liga.

Walang idaraos na Governors’ Cup para sa darating na season.

“The first conference will be the Commissioner’s Cup with a height limit of 6-foot-9 and below,” ani  PBA Commissioner Willie Marcial sa pagtatapos ng PBA Board annual planning session.

Ang ginawang pagbabago ng PBA sa kanilang kalendaryo ay para sa pag­lalaro ng Barangay Ginebra at TNT Tropang Giga sa East Asia Super League (EASL) home-and-away meet sa parehong buwan.

Gagamit ang EASL ng isang two-import format kung saan lumahok ang TNT at San Miguel na idinaos sa Japan.

Inaasahan ang muling paglahok ng Hong Kong-based na Bay Area Dra­gons sa 2023 PBA Commissioner’s Cup matapos silang talunin ng Ginebra sa nakaraang PBA Finals.

Muling ipaparada ng Bay Area si dating NBA player Andrew Nicholson bilang kanilang import para sa opening conference.

Pinadapa ng Gin Kings ang Dragons sa Game Seven na sinaksihan ng 54,589 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Matapos ang Commissioner’s Cup ay gagawin naman ang Philippine Cup sa Enero ng 2024.

Bahagi rin ng pagbabago sa iskedyul ng PBA ang pagsabak ng Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10

vuukle comment

BASKETBALL

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with