^

PSN Palaro

Clarkson target isama sa Gilas training camp

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Clarkson target isama sa Gilas training camp
Jordan Clarkson
Instagram / Jordan Clarkson

MANILA, Philippines — Pinaplantsa na ng pamunuan ng Gilas Pilipinas upang makasama si NBA star Jordan Clarkson sa training camp ng Pinoy squad bilang paghahanda sa 2023 FIBA World Cup na hahataw sa Agosto 25 sa Maynila.

Nakalinya na ang trai­ning camp ng Gilas Pilipinas sa Europe kung saan makikipagbakbakan ito sa matitikas na European teams para mahasa pa ng husto ang tropa.

At sa pagsasanay na ito, nais ng coaching staff na makasama ng Gilas Pilipinas ang Utah Jazz star at 2021 NBA Sixth Man of the Year awardee.

Kaya naman sinabi ni Gilas Pilipinas team ma-nager Butch Antonio na nakikipag-usap na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa kampo ni Clarkson para maisaayos ag bawat detalye.

“We are currently tal­king with his group. We’re fixing details,” ani Antonio.

Walang ibinigay na de­talye si Antonio sa kung ano na ang napag-usapan.

Nakasalalay ang lahat sa magiging schedule ni Clarkson.

Maganda ang rekord ni Clarkson na nagtala ng averages na 25 points, 5.5 rebounds at 6.5 assists nang maglaro ito sa FIBA World Cup Asian Qualifiers fourth window noong nakaraang taon.

Nakalaban ng Gilas Pilipinas sa naturang mga laro ang Lebanon at Saudi Arabia.

Sa kabila nito, nauna nang sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na wala pang nakasisiguro sa Final 12.

Nais ni Reyes na pag-aralan muna ang kompo­sisyon ng team bago pa­ngalanan ang mga sasabak sa FIBA World Cup.

At isa sa pagbabasehan ni Reyes ang mga pagdaraanang training camp ng Gilas Pilipinas kabilang na ang Europe trip nito.

Matinding laban ang haharapin ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.

Nasa Group A ito kasama ang world No. 10 Italy, Dominican Republic at Angola.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with