^

Bansa

Sickness, death benefits ng health workers ibigay hanggang June 9

Danilo Garcia, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sickness, death benefits ng health workers ibigay hanggang June 9
Nakasaad sa batas na dapat makatanggap ng P100,000 ang isang health worker na magkakasakit dahil sa kanyang trabaho o P1 milyon na ibibigay sa kanyang pamilya kung siya ay masasawi.
Michael Varcas, file

Ultimatum ni Digong

MANILA, Philippines — Dapat maibigay na hanggang Martes o sa June 9 ang benepisyo ng mga health workers na tinamaan ng COVID-19 o kaya ay namatay sa nasabing sakit base sa itinakdang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakarating na sa kaalaman ng Pangulo na hindi pa naibibigay ang benepisyo na itinakda sa Bayanihan to Heal as One Act o Republic Act 11469.

“Hanggang Martes lang po ang binigay ng Presidente para sa mga kinuukulan na ibigay ang compensation sa mga health workers na nagkasakit ng COVID-19 in the line of duty at sa mga pamilyang naiwan ng mga namatay,” ani Roque sa press briefing sa Davao City.

Nakasaad sa batas na dapat makatanggap ng P100,000 ang isang health worker na magkakasakit dahil sa kanyang trabaho o P1 milyon na ibibigay sa kanyang pamilya kung siya ay masasawi.

Naungkat sa pagdinig sa Senado na kahit isang health worker ay wala pang natatanggap na benepisyo na isinasaad sa RA 11469.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, chair ng Phi­lippine Red Cross, 32 health workers na ang namatay sa bansa samantalang nasa 2,600 ang infected.
Inaasahan namang magpapalabas ang Department of Health, Department of Budget and Management at Department of Labor and Employment ng isang administrative order para sa pagbibigay ng kompensasyon sa mga nagkasakit o namatay na health workers. 

Kaugnay nito, inumpisahan na umano ng DOH na kontakin ang pamilya ng 32 nasawing health workers para maproseso na ang P1 milyong death benefits na nasa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Nasa 32 health workers na ang nasawi kabilang ang apat na nurses, 26 na doktor at dalawang non-medical staff.  Nasa 60 health workers rin ang kasalukuyang maysakit dulot ng virus.

vuukle comment

HEALTH WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with