^

PSN Palaro

Vargas kumpiyansang maibabalik ang 45th PBA Season

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Vargas kumpiyansang maibabalik ang 45th PBA Season
Ricky Vargas
Jun Mendoza, file

MANILA, Philippines — Nararamdaman na ni PBA chairman Ricky Vargas ng TNT Katropa na malapit nang magbalik ang mga laro ng liga.

Ito ay dahil unti-unti nang niluluwagan ng gobyerno ang mga guidelines para sa mga physical activities kagaya ng mga non-contact sports na biking, jogging, swimming, exercise at golf sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

“We’re now in GCQ and some of the facilities start to open, it gives you hope,” wika ni Vargas matapos ang pulong ng PBA Board of Governors noong Miyerkules.

Sinuspindi ng PBA ang kanilang Season 45 noong Marso 11 matapos pumutok ang coronavirus disease (COVID-19).

Inaprubahan ng PBA Board ang ‘no-testing, no-training policy’ bilang bahagi ng health protocols para sa unti-unting pagbabalik sa ensayo ng mga koponan.

Ang nasabing inaprubahang protocols na ipinanukala ni PBA Commissioner Willie Marcial ay isusumite sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) para sa approval.

“Sana makapag-practice na tayo by July, baka earlier pa,” ani Marcial.

Bilang pagpapakita ng ‘bayanihan spirit’ ay tutulungan ng San Miguel Corporation ang iba pang PBA teams na isailalim sa (COVID-19) testing ang kanilang mga players, coaches at officials.

Nauna nang nagnegatibo sa COVID-19 ang mga players ng San Miguel, Barangay Ginebra at Magnolia, nasa ilalim ng SMC, sa isinagawa nilang testing kamakalawa.

Matapos ang mga koponan ng SMC ay sasalang naman sa COVID-19 testing ang coaches at players ng TNT Katropa kasunod ang NLEX at Meralco.

vuukle comment

RICKY VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with