^

Metro

Pagkakahawa ng virus sa 255 na tricycle drivers, ‘di pa tukoy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa tukoy ng Mandaluyong City government kung paano dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang may 255 tricycle drivers sa kanilang lungsod.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, ang mga infected tricycle drivers, na pawang asymptomatic o hindi nakitaan ng sintomas ng virus, ay mula naman sa iba’t ibang barangay kaya’t hindi pa nila matukoy sa ngayon kung paano sila dinapuan ng sakit.

“Hindi mo ma-trace kung sasabihin mo na nahawa kung kanino kasi nga random ‘yung ­aming ano eh. Iba-ibang barangays itong mga drivers na ‘to eh kaya ‘di namin masabi kung nahawa kung kanino” ani Abalos.

Nilinaw din naman ng alkalde na hindi pa bumibiyahe sa lungsod ang mga tricycle drivers, na nagpositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng rapid test.

“Hindi pa naman sila bumibiyahe talaga, actually ang sabi ko kasi hangga’t walang rapid test, hindi sila puwedeng bumiyahe,” ani Abalos.

Ang mga nagpositibo sa rapid test ay kaagad aniya nilang ipina-isolate at awtomatikong ipapa-swab test para makumpirma ang kalagayan ng kalusugan ng mga ito.

vuukle comment

COVID-19

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with