^

Bansa

Mas direktang info kay Duterte tiniyak ni Panelo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Mas direktang info kay  Duterte tiniyak ni Panelo
Ayon kay Panelo, mas maibibigay at maipapaliwanag nito ang mga impormasyong may kinalaman kay Pangulong Duterte, maganda man o masama.

MANILA, Philippines — Asahan umano ang mas direktang impormasyon kaugnay kay Pangulong Duterte sa pag-upo ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo bilang bagong presidential spokesperson.

Sinabi ni Sec. Panelo, matagal na niyang kilala at kaibigan si Pangulong Duterte bago pa man ito na­ging presidente kaya kabisado na niya ang kanyang pananaw at pagkatao.

Ayon kay Panelo, mas maibibigay at maipapaliwanag nito ang mga impormasyong may kinalaman kay Pangulong Duterte, maganda man o masama.

Bukod daw sa magkalapit ang kanilang mga edad, magkasundo o pareho daw sila ng interes, hilig at pananaw ni Pangulong Duterte kaya kahit magkatinginan lamang sila ay nagkakaunawaan na.

Nilinaw din ni Panelo na wala siyang balak palambutin o pagandahin sa pandinig ang mga matatapang na pahayag at pananalita ni Pangulong Duterte, bagkus ipapaliwanag kung paano ang pagkakasabi at eksaktong pakahulugan.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with