^

Pang Movies

Kanong pitong dekada na nawalay sa yaya, may reunion sa KMJS

Pang-masa

MANILA, Philippines — Parami nang parami ang mga naaaliw sa pinakabagong Instagram superstar ngayon, ang anak ng Kapuso personalities na sina Drew Arellano at Iya Villania – si Primo. At ang panganay nga nina Drew at Iya, nakatakda na rin palang ma­ging kuya. Ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), sasama ang programa sa family at travel adventures ng Team Arellano.

Dadayuhin din ng KMJS ang Balabac, Palawan na kilala bilang Last of the Last Frontier. Kung dati ay hindi ito masyado dinarayo ng mga turista, sa nakalipas na mga taon, unti-unti nang isinusulong ang turismo nito. Aalamin ng KMJS kung handa na nga ba sa pagdagsa ng mga turista ang Balabac.

Makikipiyesta rin ang KMJS sa taunang Alimango Festival ng Lanao del Norte kung saan tradisyon na ang mala-bundok na tumpok ng alimango. 

Nang dahil naman sa isang lumang litrato, isang Amerikano ang nagpunta sa Pilipinas para bisitahin ang dati niyang yayang Pilipina na 87 taon na ngayon. Ang muling pagtatagpo nina Jack at Rosie makalipas ang halos pitong dekada, magpapatunay na hindi kayang limutin ng panahon ang itinanim na kabutihan.

Ngayong Semana Santa, samahan din ang KMJS sa pagbisita sa bagong bukas na Reliquarium sa Marikina kung saan matatagpuan ang mahigit isang libong relics kabilang na ang dugo ng dating Santo Papa na si Saint John Paul II, ang hibla ng buhok ni Mother Teresa, at piraso ng mismong krus na pinagpakuan daw kay Hesus.

Abangan lahat ng ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, pagkatapos ng All Star Videoke, sa GMA 7.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with