^

Pang Movies

Aiza gagamitin na ang bagong pangalan sa pagbalik sa pagkanta

Gorgy Rula - Pang-masa
Aiza gagamitin na ang bagong pangalan sa pagbalik sa pagkanta

Ice

MANILA, Philippines — Sa April 5 na ang huling araw ni Aiza Seguerra bilang Chairperson ng National Youth Commission. Kaya may mga ilan pa siyang inaayos bago niya ito iwan at mag-focus na sa pagkanta, gamit ang bagong pangalang Ice Seguerra.

Sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño, medyo normal na raw ngayon ang takbo ng buhay ng asawa niya, at masaya na raw itong gusto nang mag-focus sa pagkanta.

“There’s a semblance of normalcy na sa amin, siyempre marami ring na-miss namin during the time where we both working di ba? Kasi siyempre talagang may masa-sacrifice na family time, ganyan.

“Medyo nagpi-pick-up in terms of him finding himself doing a lot of singing gigs again,” dagdag na pahayag ni Liza nang nakausap namin sa press launch ng bagong proyekto niyang CineMarya, nung nakaraang Biyernes, March 23 ng hapon.

Nasa ugali raw kasi ni Ice na kung ano ang ibinigay sa kanya na responsibilidad, doon lang siya naka-focus at naisasantabi ang iba.

“With Ice kasi talaga, napaka-focus niya. Pag meron siyang ginagawa hindi siya puwedeng gumawa ng iba.

“Pag siya, public service, public service lang yan. Talagang one hundred percent of his time idi-devote niya. Hindi siya kakanta, hindi siya magpi-perform na puwede niyang gawin eh to balance.

“Talagang na-sacrifice niya talaga yung other love niya,” saad pa ni Liza.

Personal daw ang dahilan nang resignation, pero hindi na ito idinetal­ye ni Liza. Sa ngayon ay nagsisimula na raw si Ice sa pag-aayos ng mga gigs na tinatanggap na niya.

“Personal yung ano…what he’s going through in terms of understanding kung ito ba ay para sa kanya o hindi.

“Siguro, at the time that he was chair, he gave more than one hundred percent. I can be sure of that. ‘Yung interfaces sa kabataan sobra. But now na open ulit yung opportunity niya to focus on other things, nakikita ko na naeenganyo ulit siya to go back to singing ganyan,” pahayag ni Liza Diño.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with