^

Pang Movies

KC binoykot nina Sharon at Gabby

Jun Lalin - Pang-masa
KC binoykot nina Sharon at Gabby

KC

Isang malapit kay Gabby Concepcion ang inusisa namin tungkol sa issue na hindi sinipot ng aktor ang jewelry line event launch ng panganay na anak na si KC Concepcion.

Sabi ng taong tinanong namin, nag-uusap naman sina Gabby at KC at duda siya kung nag-commit ang aktor na pupunta sa nasabing event.

Hindi rin naniniwala ang taong kausap namin na magi­ging issue kay Gabby ang hindi pagpunta nito.

Mas madalas nga raw na mag-usap ngayon ang mag-ama.

Richard at Sarah wanted na sa mga interview

Isa si Korina Sanchez sa mga gustong mag-interview sa mag-fiancé na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati at gustong i-feature ang kanilang new baby boy na si Kai, pati ang panganay nila na si Zion.

Pati si Gretchen Fullido, gusto silang i-feature sa Star Patrol showbiz news segment ng TV Patrol.

Sabi ni Richard, walang problema sa kanya ‘yon, pero ang ta­nging request niya ay paglabas na lang nila ng hospital. Kapag naiuwi na nila sa bahay si Baby Kai.

Samantala, pareho na raw silang nakapagpahinga ni Sarah. Nakatulog na raw and as of yesterday, hindi pa sure si Richard kung kailan ba madi-discharge sa hospital ang kanyang lovey-dovey.

Kung si Tita Annabelle Rama naman ang tatanungin, okey na sa kanya na magpa-interview sina Richard at Sarah kahit nasa hospital pa, pero nag-agree rin siya sa desisyon ng anak na next week na lang.

Korina, tinanggihan ang offer ng Binibining Pilipinas?

Ang tsikang balak daw na kay Korina Sanchez-Roxas na ipamahala ang Bini­bining Pilipinas Charities, Inc.

May tsika ring tinanggihan naman daw ‘yon ng misis ni Mar Roxas.

Noong Tuesday nga pala, nagkaroon ng interview si Korina sa Binibining Pilipinas 2018 winners at ipapalabas ‘yon sa Rated K ngayong Sunday.      

Lovelife ni Greta, tiyak pagpipiyestahan sa online show

Inaabangan na ang unang pasabog ni Gretchen Barretto sa online show nila nina Ricky Lo at Manay Lolit Solis. Tama ba ang narinig namin na ang mga issue tungkol sa lovelife ni Gretchen ang tatalakayin sa online show na ‘yon?

Kilala si Gretchen sa pagiging prangka at hindi pala-deny, so, maging open kaya siya tungkol sa lovelife niya ngayon?

Mga nagne-nega sa JaDine natabunan ng trailer ng kanilang pelikula

Hindi lang ang JaDine fans ang excited na sa Never Not Love You new movie nina James Reid at Nadine Lustre na showing na sa March 31.

Marami ang nagkokomento na gusto nila ang trailer ng Never Not Love You dahil hindi na nagpapa-cute lang sa kanilang new movie sina James at Nadine.

Sa trailer pa lang ng pelikula, hindi lang ang JaDine fans ang nagsasabing manonood ng pelikula ng Viva Films, pati ‘yung mga taong hindi naman talaga masasabing fave nila ang JaDine ay nagkokomentong mukhang maganda ang Never Not Love You.

Kitang-kita nga ang pagiging potential blockbuster ng pelikula. Natabunan nga ng magandang feedback sa pelikula ang mga negatibong issue sa mag-sweethearts, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with