^

Pang Movies

Tandem nina Bitoy at Iya manggugulo uli

Joe Barameda - Pang-masa
Tandem nina Bitoy at Iya manggugulo uli

Joyce, Bitoy, at Iya

MANILA, Philippines — Ayon sa Kapuso comedy genius na si Michael V., mas pinalaki, mas pinabongga, at mas kaabang-abang ang season 3 ng Lip Sync Battle Philippines kung saan nagbabalik siya bilang host nito, kasama pa rin ang Kapuso host-actress at commentator na si Iya Villania-Arellano.

Dagdag pa ni Bitoy, exciting ang season na ito dahil bago ang mga battlers na maglalaban-laban, pero may mga magbabalik din daw para muling subukang makuha ang Championship Belt.

Mapapanood na ang Lip Sync Battle Philippines tuwing Linggo simula April 1 sa GMA-7.

Pangarap ni Joyce tinupad ni Dennis

Tila enjoy na enjoy ang Kapuso host at vlogger na si Joyce Pring sa GMA Online Exclusives show niyang All Access. Sa Instagram stories nito, nagpasilip siya ng behind-the-scenes sa mga taping nila. Ayon sa napanood namin, nakipagsabunutan siya sa set ng The Stepdaughters at nakigulo sa masayang cast ng Bubble Gang. Pero mukhang ang highlight ng araw ni Joyce ay nang dalawin niya ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa set ng The One That Got Away.

“Dream come true,” kung ilarawan niya ang experience at hindi maitago ng dalaga ang ngiti nito. Kaya naman enjoy din kaming manood ng All Access tuwing Miyerkules (5PM) sa official YouTube channel ng GMA Network.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with