^

Kutob

March 22, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) – Mag-relax para gumaan ang isipan at kalooban. Huwag pansinin ang mang-aasar. Iwasan ang argumento para hindi mapaaway o magkaroon ng kagalit dahil magiging maikli ang iyong pasensya. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 35, 41 at emerald green.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) – Huwag mangutang ngayon dahil mahihirapan sa pagbabayad. Maganda ang pakiramdam at walang problema ang kalusugan. Sundin ang idinidikta ng kalooban dahil malakas ang taglay na ESP. Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 27, 36 at indigo.

ARIES (Mar. 21- Abr. 19) – Produktibo ang araw kung gugustuhin. Kalimutan ang mga kapalpakan at isipin na isang aral ito sa pagtuwid ng pagkakamali. Hindi maaapektuhan ang plano na magdudulot ng magandang resulta kung iiwasan na mag-init ang ulo at maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 23, 38, 39 at neon green.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) – Huwag mangutang at mahihirapan lamang sa pagbabayad. Sundin ang idinidikta ng kalooban dahil malakas ang ESP na magbibigay ng magandang resulta. Kung may sasabihin, huwag mahiya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 27, 36 at white.

GEMINI (May 21- Hun. 21) – Ang taglay na talino ay pagkakakitaan ng husto kaysa kasalukuyang trabaho. May taglay kang kakaibang talino na dapat pag-ukulan ng panahon para mapaunlad. Lakas ng loob ang maglalandas ng tagumpay. Tatagan ang kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 35, 42 at silver.

CANCER (Hun. 2 - Hul. 22) – Upang manatili ang mataas na antas ng respeto at pagkatao, ipakita ang kabutihan at respeto sa kapwa. Magiging taliwas sa inaasahan ang magaganap. Iwasan ang drama ng pagkaemosyonal sa pagtupad ng tungkulin. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 36, 41 at lilac.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22) – Tutuwirin ng kausap ang kanilang pagkakamali sa oras na malamang tama ka. Matutupad ang naipangako. Iwasan na gumawa ng bagay na makakasakit sa damdamin ng kapwa. Iwasan ang maging madaldal. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 28, 34 at green agate.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) – Ang munting problema ay maaaring lumaki sa paglipas ng mga araw kung hindi mahahanapan ng solusyon ngayon. Ang dadaluhang salu-salo ay kasasangkutan ng oportunidad na may kinalaman sa pera. Iwasan ang biglaang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 30, 37 at jade green.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) – Maganda ang epekto ng pakikipagkasundo sa matagal ng kagalit. Dahil taglay ang mataas na antas ng karisma, madali kang mauunawaan at kabigha-bighaning kausap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 26, 29 at Chinese blue.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) – Tama ang desisyong tawanan ang problema at hanapan ng solusyon sa mahinahong paraan. Magiging abala ka sa pag-aayos ng tahanan at pagtatanim ng halaman na siyang magbibigay ng kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 26, 34 at milk white.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) – Matutukso ka sa panlabas na anyo ng isang opposite sex subalit ang ugali naman ay taliwas sa iyong inaasahan. Sa ginagawang pagbabalewala sa kalusugan, ngayon paniningil. Magpasalamat kung walang karamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 16, 25 at sky blue.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) – Huwag patagalin ang gustong sabihin dahil magbibigay ng suliranin kung hahayaan. Maging tapat sa sarili. Iwasan ang maging magagalitin. Magkaroon ng disiplina sa sarili. May pagkakataon na makabili ng bagay na hindi kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 17, 32 at green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with