^

Kutob

Marso 21, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES (Mar. 21- Abr. 19) – Ipagpaliban ang pagdalaw sa kaibigan o kasintahan. Mapapanatili ang magandang harmony sa pag-ibig kung iiwasan ang usaping selos at pangangailangan ng pera. Ang positibong pagkilos, paggawa at pag-iisip ay magbibigay ng positive vibes. Lucky numbers at color for the day ay 9, 19, 26, 28 at dollar green.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) – Ihanda ang sarili sa mga pagbabagong magaganap sa tungkulin. Magsikap at magtiyaga para magtagumpay. Sikapin na malagay sa maayos ang naging magulong relasyon. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa ng walang makaaway o maasamaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 10, 14 at peach.

GEMINI (May 21- Hun. 21) – Ang inaasahan na tulong o salapi na matagal nang hinihintay ay malamang darating. Ang relasyong pampamilya ay magiging matatag at maligaya kung pagsisikapan. Maaqaring mabigyan ng solusyon ang matagal nang problema. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 16, 28 at butter yellow.

CANCER (Hun. 2 - Hul. 22) – Maunlad sa larangan ng negosyo o pangangalakal. Iwasan ang anumang paanyaya. Huwag basta maniwala sa tsismis. Huwag magpabigla-bigla sa pagdedesisyon kung hindi tiyak ang resulta. Iwasan ang makisangkot sa gulo o pakikipagdiskusyon ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 20, 29 at orange.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22) – Malaking pag-asa na magtagumpay sa pag-ibig kung malinis ang hangarin. Ang mga bagay na lumihis ay manunumbalik sa tamang landas. Huwag patangay sa emosyon kung may suliranin. Huwag ibigay agad ang tiwala sa bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 12, 27 at electric blue.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) – May posibilidad na makatagpo ang dating kaklase na siyang makakatulong sa pagbago ng takbo ng buhay. Posibleng makatagpo ang kapareha sa habangbuhay. Ang walang imik sa trabaho ay magbibigay ng hindi magandang kahulugan sa kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 23, 29 at maroon.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) – Magsaliksik o magtanong sa nakakaalam kung hindi tiyak ang gawain o patutunguhan. Huwag magpadalus-dalos sa paglagda ng mahalagang papeles. Panindigan ang salita o pangako. Huwg bigyan ng pagkakataon na makutya ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 24 at cream.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) – Makakalimutin ka ngayon. Bago umalis sa bahay o pinapasukan, tiyakin ang mga dadalhin na walang makalimutan. Ang pangako ay malamang hindi matupad. Masusing repasuhin ang mga importanteng bagay lalo na sa trabaho at baka may makaligtaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 26, 32 at magenta.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) – Malakas ang makasariling pagnanasa subalit makakabuti kung ilagay sa tamang tao, oras at lugar. Sa paligsahan mabuhos ang lahat ng makakaya dahil determinado kang magwagi. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 19, 35 at red.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) – Ang iniingatang lihim ay malamang mabunyag. Mag-ingat dahil taliwas ang mangyari sa inaakala. Huwag matakot na ilantad ang katotohanan kung may katuwiran. Hangga’t maaari huwag maging madaldal o magsalita. Lucky numbers at color for the day ay 7, 24, 40, 42 at fuchsia.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) –  Ang binabalak gawin ay dapat ipagpaliban dahil may hadlang at hindi magtatagumpay. Sa larangan ng pag-ibig ang sitwasyon ay normal at payapa. Huwag patangay sa emosyon dahil sa hidwaan ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 19, 35 at yellow.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) – Maganda ang araw dahil taglay mo ang malakas na ESP na siyang makakatulong sa paglutas ng suliranin. Paglabanan ang ugaling mapagpuna dahil ang balik ay sampong doble sa sarili. Iwasan ang mag-alinlangan dahil walang mangyayaring kabutihan. Lucky numbers at color for the day 3, 12, 17, 22 at aquamarine.

vuukle comment

ARIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with