^

Kutob

March 19, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Ilagay sa budget at magsimulang mag-impok para may madukot kung mangangailangan sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyari. Kailangan magtipid. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magiging abala sa paggawa sa loob ng tahanan dahil ito ang magbibigay kasiyahan. Sa paraang mahinahon ang suliranin na kasangkot ang ilang kasamahan sa trabaho ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa problema sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at electric blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kailangan ang tulong ng isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Iwasan ang ano mang hakbang na may kinalaman sa salapi. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi mababayaran o hindi makakabayad sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 39, 42 at pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Hindi dapat magpadala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa mga dalaga, ang labis na pagseselos ang siyang kikitil sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa alinmang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 27 at sun yellow.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na panahon para makapagpahinga. Maaaring may payo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansiyal na dapat bigyang halaga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at dollar green.

 

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang payo tungkol sa pinansiyal ay isaalang-alang. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad na makapagbubukas ng bagong relasyon sa pag-ibig. Ang magmadali sa pagpapasya ay maglalagay sa’yo sa panganib, dapat itong iwasan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay5, 18, 19, 29 at emerald green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang komplikasyon tungkol sa salapi sa mga nagdaang araw ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa alanganing sitwasyon. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga dahil masasangkot ka sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at aqua blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang magsabi ng tapat at totoo ay nagpapatunay ng katapatan sa kapwa at sarili. Iwasan ang magsinungaling dahil mawawala ang tiwala ng kapwa. Maaaring may pagsubok mula sa trabaho o relasyon. Matutupad ang pangako. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 16, 34 at honey yellow.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) –Taglay ang liwanag at malikhaing pag-iisip na angkop sa pagpaplano sa hinaharap. Huwag aksayahin ang panahon. Matatapos ang gawain na sinimulan ng walang hadlang o abala. May pangyayaring maganap na hindi makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 41 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Tama ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at kaalaman. Ang pagsasaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang magmalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 14, 20 at sky blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang transaksyon sa negosyo ay dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Mag-ingat sa mapagsamantalang kasamahan sa trabaho. May pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay1 6, 19, 37 at garnet red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) –Mahalaga ang tulong na maibibigay ng iba. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi dahil malaking tulong ito ngayon. Hindi tama ang pagwawalang bahala sa taglay na suliranin, dapat kumios. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 15 at turquoise.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with