^

Metro

‘Adik’ nag-amok sa ospital, utas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Matapos mang-agaw ng baril ng pulis

MANILA, Philippines — Todas ang isang sina­sabing “dugurista” matapos umanong mang-agaw ng baril ng isang pulis at mamaril sa loob ng isang ospital sa Quezon City kamakalawa ng  madaling araw.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Ronald Gallo, 31, nakatira sa No.230 Pili St., Brgy. Hagonoy, Taguig City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Roldan Cornejo, dakong alas-12:50 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng Quirino Memorial Medical Center (QCMMC) emergency room.

Nauna rito, humingi ng tulong ang mga residente ng Brgy. Masagana, Quezon City sa pulisya dahil sa palakad-lakad, nagsasalitang mag-isa at nagpupumilit na pumasok at umakyat sa mga bahay ang suspek. 

Sa pagresponde ng mga pulis, nakitang may sugat ang suspek sa kamay kaya siya dinala sa ospital para ipagamot bago dalhin sa himpilan. Gayunman, habang nasa ospital ay ayaw umanong magpagamot ng suspek at bigla na lamang inagaw ang baril ni PO1 Eric Macaraeg  at saka nagtatakbo.

Nagpaputok umano ang suspek kaya napilitan siyang paputukan ng mga pulis na nagresponde sa lugar sa pangu­nguna ni PO3 Feliciano Hipolito na nagresulta ng pagkamatay ng una.

“Paiba-iba ang sinasabi niya, hinahabol daw siya ng mga taong naka-bisikleta at naka-motor para patayin. Posibleng nakagamit siya ng  droga,” ani Supt. Ariel Capucao, hepe ng Station 8 ng Quezon City Police District (QCPD). 

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa naganap na krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with