^

Metro

Transport strike arangkada ngayon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy ngayong araw ng Lunes ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON) ang isasagawa nilang malawakang transport strike sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang kilos-protesta ay lalahukan ng may 60,000 jeepney drivers para ipakita ang kanilang pagtutol sa modernization program ng pamahalaan.

Isasagawa ang tigil-pasada sa mga lalawigan ng Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Batangas at Northern Mindanao.

Ayon kay PISTON leader George San Mateo, magiging sentro ng kanilang transport holiday ang mga area sa Metro Manila, kabilang ang Novaliches at Cubao sa Quezon City, Monumento sa Caloocan City, Alabang sa Muntinlupa City, at Anda Circle sa Maynila.

Magdaraos din umano sila ng kilos-protesta sa San Mateo, Rizal at iba pang lalawigan.

Naninindigan ang mga miyembro ng PISTON sa kanilang pagtutol sa “public utility vehicle modernization program” ng gobyerno na anila’y magreresulta sa phase­out ng mga lumang jeepney na sinimulang ipatupad nitong Enero.

Anila, “anti-poor” ang prog­rama ng administrasyon na makakaapekto sa libu-libong jeepney drivers at operators sa buong bansa.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with